Ten

25 2 2
                                    

Saturday noon, hindi na mapakali si Scott at nakailang inom na siya ng red wine. Nalaman kasi niyang isang maliit na welcome party pala yong lunch, at pupunta pa ang ibang kaibigan ng mommy niya.

Kararating lang ng ibang mga bisita pero wala pa si Ardi, kaya lalong na stress si Scott.

Paano kung hindi siya sisiputin ni Ardi?

Nagkekwentuhan ang mommy niya at iba pa niyang kaibigan, so she's thankful kasi hindi siya nakukulit ng mommy niya tungkol kay Ardi.

Nakita niyang nakatingin si Harry sa kanya. Magisa lang kasi ito at kinakausap ng iba pang bisita. Scott looked away, she had a feeling na lalapitan siya ni Harry any minute now.

Right on cue, may nagdoorbell kaya dalidaling pumunta si Scott sa gate para malaman kung si Ardi na ba yong dumating.

She opened the gate and it was Ardi, pero parang hindi si Ardi na palagi niyang nakakasama sa coffee shop. Ang Ardi na yon ay palaging magulo ang buhok, mukhang inaantok at minsan gusot pa yong tshirt. Ang Ardi na kaharap niya ngayon is wearing a white long sleeves polo with the sleeves rolled up, clean jeans and his sneakers. He even trimmed his hair.

Nakatitig lang si Scott kay Ardi. She never thought he could look so good with just a few changes.

"Psst! Bakit ang daming sasakyang nakapark sa labas ng bahay niyo? At bakit merong catering truck?" Nagaalalang tanong ni Ardi kay Scott.

"Ahmmm...kasi mommy decided to throw a party, kaya may mga bisita pa." Scott explained.

"So marami nang bisita sa loob?"

Tumango si Scott. "Yeah, nandiyan na sina Harry sa loob."

"Okay." Huminga ng malalim si Ardi at inayos ang polo. "Any last words?"

"Just be my boyfriend."

"I am boyfriend." Sabi ni Ardi sa kanya.

"Ohh my ghad." Bulong ni Scott sa tabi niya.

Napatingin naman si Ardi sa kanya. "Bakit?"

"Feeling ko hihimatayin na ako sa sobrang kaba. Nanginginig na yong tuhod ko."

Without any thoughts, Ardi held her hand and smiled at her. "As long as nandito ako, huwag kang kabahan. Magiging okay ang lahat." Sabi niya kay Scott.

Ngumiti din si Scott at pinilit na huwag kabahan. Sabay na sila ni Ardi na pumasok sa loob at nakaholding hands pa. When you look at them, maniniwala kang sila nga.

Napadaan sila sa ibang mga bisita, Scott tried her best to look happy and pleased. Pero nanigas siya bigla nang makita sila ng mommy niya, at biglang dumahandahan si Scott sa paglalakad.

Napansin ni Ardi yon. "Mommy mo?" Bulong niya kay Scott. Tumango naman ito. "Tara na, lapitan na natin."

Namumutla si Scott sa sobrang kaba pero pinipilit pa rin niyang ngumiti. "Ardi...kinakabahan ako. Do you think we can do it?"

Humarap si Ardi sa kanya. Inangat niya ang kamay nila ni Scott na magkaholding hands. "Hindi pa ako bumibitaw. Kaya natin 'to, okay?" Sabi niya.

Tumango si Scott sa kanya at huminga na ng malalim. Thankful siya dahil sa fighting spirit ni Ardi, nagkaroon din siya ng lakas ng loob. Kung nagduwagduwagan siguro yon, malamang bumigay na yong tuhod niya sa kaba.

Nilapitan na nila ang mommy ni Scott na nakikipagkwentuhan sa kanyang mga bisita.

"Mom?" Sabi ni Scott when they approached her. "This is Ardi. Ardi, meet my mom." Pakilala ni Scott.

Ardi smiled proudly. "Nice to meet you, ma'am."

Mrs. Mendiola smiled and studied Ardi. "So you're Scarlett's boyfriend?"

"Yes, ma'am. I'm prpud to say that i'm his boyfriend." Sagot ni Ardi na hindi nawawala ang ngiti.

Scott blushed a little. Nakakatawa man pero parang nagustohan niya nung sinabi ni Ardi yon sa mommy niya.

***

Ardi set his plate down the table at umupo na din.

"I'm so sorry, hindi ko talaga inexpect 'to." Sabi kaagad ni Scott nang mapaupo siya sa tabi ni Ardi. "Sorry sa mga long talks nina mommy, kulang na lang ipabackground check ka."

"Okay lang, natural lang yon." Sagot ni Ardi. "Huwag na tayong magreklamo, alam mo naman kung bakit di ba."

Napangiti si Scott. "Basta sorry. Hindi ko alam kung magpapasalamat ako sa'yo or hihingi ba ako ng sorry."

"Eh di sorry at thank you sabihin mo. Naiintindihan ko naman eh, kaya okay lang." Sabi ni Ardi sa kanya. "Kumain ka na, kanina ka pa kasi namumutla. Ninenerbyos ka eh."

Natawa na din sa wakas si Scott. "Kasi naman nakakatense. Yan tuloy, late ka na nakakain ng lunch." Napatigil si Scott at namutla na naman. "Oh my ghad....."

Napakunot ang noo ni Ardi habang kumakain. "Bakit? Ano na naman?"

"Harry." Ngiti ni Scott sa lalakeng lumapit sa kanila.

Si Harry.

"Hi, Scott." Bati ni Harry at napapatingin kay Ardi.

"Harry, hi. This is my boyfriend, Ardi." Pakilala ni Scott.

Ardi smiled at Harry and extended his arm. "Hi! Join us."

Nahihiyang ngumiti si Harry. "Are you sure its okay? Hindi ba ako nakaistorbo sa inyong dalawa?"

Umiling si Ardi. "No, of course not. Kaibigan ka naman ni Scott, right? Any friend of Scott is welcome."

Nakangiting umupo si Harry. "Its really difficult na mapasama sa mga hindi mo kaedad, you can't relate on what they're talking about."

Napilitang ngumisi sina Scott at Ardi. "I see what you mean." Sabi ni Ardi.

"And of course, I want to catch tings up with Scott. Its been so long." Sabi ni Harry, completely ignoring Ardi.

"Yeah..." Scott shifted. "Ang tagal na nating hindi nagkita. Was it two years ago?" She scratched her chin.

Harry smirked. "No, that was five years ago."

"Ahh..ganun ba, ang tagal na pala noh."

Harry gave out a short laugh. "Matagal ko na akong hindi kinakausap."

Ardi felt weird about the two pero pinipigilan niya ang sarili na magtanong tungkol dun. Hahayaan na lang niyang sila ang magsabi.

He cleared his throat para makuha ang atensyon nung dalawa. "So...Harry." Simula ni Ardi, hindi niya alam kung ano ang sasabihin basta gusto lang niyang makuha ang atensyon ni Harry. Ang awkward kasi nung ginagawa niyang pagtitig kay Scott. Syempre siya yong 'boyfriend', dapat kumilos siya. "Hanggang kailan kayo dito? Are you staying for good?"

"No, two weeks yong stay namin dito or so. Depende sa panahon."

Nagpalitan ng tingin sina Ardi at Scott, at tamang tama din na napatingin si Harry somewhere.

"Excuse me, I saw an old friend over there. Pupuntahan ko na muna dun, if that's okay." Paalam niya sa dalawa.

Agad naman silang pumayag. "Oh, sure, go ahead." Sabi ni Scott. Umalis na si Harry sandali. Naiwan silang dalawa sa table nila. "Ano? Kumain ka na diyan, alam kong nagugutom ka na." Sabi niya kay Ardi.

Natetempt na si Ardi na tanungin si Scott tungkol sa past nila ni Harry, pero ayaw niya. Ayaw niyang maattach masyado kay Scott. Alam niyang personal na yon and talking personal stuffs with someone is quite deep. Hahayaan na lang niyang lumipas 'to at sana walang magiging problema hanggang sa matapos niya ang contract niya.

"Wala, kumain ka na din." Sabi ni Ardi, at susubo na sana ng pagkain nang may lumapit na naman sa kanila ni Scott.

"Hi, you must be Scott's boyfriend."

END OF CHAPTER TEN

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon