Twenty Seven

21 1 0
                                    

Gene sighed at dahandahang sinara ang pintuan ng kwarto ni Scott.

He was expecting na mangyayari 'to, lahat ng galit at frustrations ng kapatid niya ay naipon. And there's only two people to blame. Ang parents nila.

Hindi niya maisama si Scott sa kanya ngayon kasi pinagpapahinga ng doctor sa kwarto niya. She loss her consciousness after her wild and painful cry, and they found out na may hysterical disorder si Scott.

Ayaw pa ni Gene na umalis pero he should be going home kasi may trabaho pa siya bukas.

Bumaba na siya at naabotan niyang naguusap ang mommy at daddy nila. He heard their conversation about Scott and their plans about her, them of sending her abroad.

"Kapatid ko ba ang pinaguusapan niyo?" Sabi niya, cutting the both of them. "Ano na naman ang ginagawa niyong desisyon sa kanya?"

His mom stared at him coldly. "Stay out of this Gene."

"Ayoko. This is about Scott, I want to know everything." Nilapitan na sila ni Gene. "Pwede ba, hayaan niyo na lang yong kapatid kong magdesisyon ng para sa kanya? All her life wala na siyang ginawa kundi ang sundin ang lahat ng gusto niyo, pati ako." Gene is telling the truth.

Ganun din siya dati, lahat ng sabihin sa kanya ng parents nila ay sinusunod niya. Palagi siyang with honors at naging valedictorian nung highschool, their parents were proud of him. It was in his sophomore year in college nang sinuway niya ang parents nila. Mr. Mendiola pushed Gene to become a doctor, pero nagquit siya at nagaral ng journalism. And eversince nagiba na ang treatment ng parents nila sa kanya, they weren't as proud as before. At ngayon ayaw niyang mangyari yon sa kapatid niya.

"You knew all along about her and de Vera's son." Sabi ng daddy niya. "Howcome you didn't told us? Hinayaan mo lang siyang gawin niya yon. Alam mo ang nangyari sa amin ng traidor na yon."

"Oo, alam ko ang buong nangyari sa inyo ni senator de Vera. Pero wala akong maalala na may kinalaman sina Scott at Wren dun." Sagot ni Gene. "Kung hindi niyo lang sana siya pinakialaman sa bagay na yon, hindi magkakaganito kapatid ko. Tapos ngayon, hindi pa din pwede kay Ardi? Kailan pa ba kayo titigil? Why don't you be a parent and start supporting your daughter on her happiness." Sabi niya giving both his parents a glare. "Babalikan ko si Scott. Kung ilalayo niyo siya, mawawalan na din kayo ng isang anak."

***

Pumasok na si Ardi ng apartment nila, nandun si Pat sa sala at nagpapahinga sa couch.

Napalingon si Pat sa kanya. Napansin niya na nagiba na ang mood ni Ardi. "Oh, anong nangyari?"

Tahimik lang si Ardi, umiling ito. "Nalaman na kasi nung parents niya yong ginawa namin."

Napaupo si Pat, napanganga. "Ano? Paano nila nalaman?"

Ardi shrugged. "Hindi ko alam kung paano...nagkagulo na kasi dun."

"Hala. Eh si Scott? Kumusta siya?"

Again, Ardi shrugged. "...hindi ko alam eh. Pinaalis kasi ako." He sighed, trying not to sound shaky. "Naiinis ako kasi hindi ko siya natulungan..." Napatigil siya sa pagsasalita, naginginig na kasi yong boses niya. "Hindi ko alam kung ano na nangyari sa kanya dun."

Tahimik lang din si Pat, he doesn't even know kung anong sasabihin sa kaibigan. "...okay ka lang ba?"

Umiling si Ardi. "...pasok na ako. Magpapahinga na muna ako." Hindi na niya hinintay na makapagsalita si Pat, pumasok na siya sa kanyang kwarto.

Sinara na niya ang pintuan ng kwarto niya and dropped his bag on the floor.

Napaupo siya sa kama niya at inalala ang mga nangyari sa bahay ng mga Mendiola. Gusto man niya maiwan dun pero pinapamukha na sa kanya ni mr. Mendiola na ayaw nila ni mrs. Mendiola sa kanya, hindi siya nababagay dun.

Ardi sighed and lied down on his back as a tear escapes his eye.

Just when he thought that everything's going to be alright.

***

Scott opened her eyes and scoped her room. Hinanap ng mga mata niya si Ardi pero magisa lang siya dun.

She reached for her phone sa bedside table niya pero wala dun. Dahandahan siyang bumangon at hinanap pero hindi niya makita. She have a sinking feeling na kinuha ng mommy niya ang kanyang phone.

Then she remembered what happened earlier. Ang sagutan nila ng parents niya dahil sa nalaman na nila yong totoo, and that image of Ardi being slapped by her mom.

Ang sakit. Bakit pati si Ardi?

Gusto niyang makausap si Ardi, to see if he's okay. Bumangon na siya, tiniis ang sakit ng ulo and slowly walked towards the door. Babawiin niya ang phone niya sa mommy niya. Bubuksan na sana niya ang pintuan nang marinig niya angbparents niyang naguusap sa labas ng kwarto.

"...will she be okay?" Narinig niyang tanong ng mommy niya.

"You took her phone, hindi na siya makakacontact sa lalakeng yon." Sagot naman ng daddy niya.

Scott pressed her ear to hear better.

"Now let's go, the Salcedo's are expecting us." Sabi ng daddy niya at narinig niyang bumaba na ito ng hagdan.

"Tawagan mo kami kapag may mangyari, okay?" Utos ng mommy niya sa katulong at umalis na din. Thankful na hindi na siya chineck ng mommy niya.

She stayed quiet, at nang marinig niya ang pagaalis ng kotse nila ay agad siya kumilos. Hindi na nagaksaya ng panahon si Scott, dalidali siyang nagimpake.

Bahala na.

She thought habang pinapasok sa kanyang bag ang iilang damit. Wala na siyang pakialam sa kung anong sabihin ng parents niya, napapagod na siya.

She zipped up her bag at lumabas na ng kwarto niya, napapatingin kung meron bang nakabantay na katulong. When she saw that it was clear, dalidali na itong lumabas ng bahay nila hanggang sa makalabas na din siya ng gate.

***

"Sigurado ka bang hindi ka kakain?" Tanong ni Pat kay Ardi, nililigpit na ang pinagkainan niya. "Kanina ka pa nakatunganga diyan."

"Wala akong ganang kumain eh." Sagot ni Ardi, nakaupo siya couch.

"...sige. Lalagay ko na lang 'to sa ref." Sabi ni Pat at niligpit na ang natitirang kalat sa mesa. Napapatingin siya kay Ardi kasi tahimik pa din itong nakaupo sa couch, wala namang ginagawa kundi ang tumunganga. Naawa nga siya sa kaibigan niya nang maikwento sa kanya ang mga nangyari.

Halata namang mahala na ni Ardi si Scott.

"Pasok na ako sa kwarto ah. Magpahinga ka na din." Sabi ni Pat, pero napatigil siya nang may kumatok sa pintuan. Nagtinginan silang dalawa, nagtaka kung sino ang nasa labas. Tatayo pa sana si Ardi para buksan ang pintuan pero inunahan na siya ni Pat. "Ako na."

Lumapit na siya sa pintuan at binuksan. "...Scott?"

END OF CHAPTER TWENTY SEVEN

ARDI [BOYS BE SERIES]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon