Lumabas na si Chad ng banyo, pinapatuyo ng twalya ang basa niyang buhok. Instead na bumalik sa kwarto niya, dun siya dumiretso sa kabilang kwarto at nadatnan niyang nagiimpake si Pat.
"Ano? Uuwi ka?" Tanong ni Chad at nilapitan si Pat, napatingin siya sa mga damit ni Pat sa loob ng bag. "Akala ko ba---"
"Oo, uuwi ako ng apartment." Sabi ni Pat, pinilit na pagkasyahin ang isang pantalon sa bag.
Tinitigan siya ni Chad. "Dito ka na muna. Sige na."
"Huwag ka ngang ganyan naninindig balahibo ko sa'yo!" Tawa ni Pat at sinara na ang bag niya, nagkasya din ang pantalon.
Tumawa din si Chad. "Sige na, dito ka na muna. Isang gabi na lang." Pilit ni Chad.
"Haaaiiisst! Chad walang multo sa bahay niyo, okay? Kung anong narinig mong sinabi ng mga katulong niyo, hindi totoo yon. Hindi ko alam kung anong trip jila at gumawa sila ng kwentong ganun." Sabi ni Pat at nagdodouble check na kung may nakalimutan ba siya.
Unexpectedly, naging close si Chad at Pat. To the point na halos dun na tumira si Pat sa bahay nila Chad. Minsan umaabot ng one week ang bakasyon niya dun kina Chad, tulad ngayon.
Tumahimik na si Chad. "Sa tingin mo, hindi totoo yon?"
Napatingin si Pat sa kanya at pinandilatan. "Hindi. Ang tanda tanda mo na naniniwala ka pa din sa mga pananakot nila." Sinuot na niya ang backpack niya. "Oy, mauna na ako. Maglalaba pa ako." Paalam ni Pat sa kanya.
"Dun ka pa maglalaba sa apartment niyo, eh pwede naman dito, tanga!" Chad called out habang pababa si Pat ng hagdan.
"Hoy! Kailangan kong uwian ang apartment, sayang bayad ko sa renta, gago!" Pat shouted back.
Tumawa lang si Chad, obviously, casual na usapan lang ang nagaganap. "UUWI KAPATID KO NEXT WEEK! BAKA MAY PAPARTY AKO, PUMUNTA KA PARA MAKILALA MO!!!!" He shouted a little louder this time, panigurado na marinig ni Pat sa baba.
"OO!!!!!" Pat shouted back before shutting the door behind him.

BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Короткий рассказBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...