Napasandal si Ardi sa couch at pinikit ang mata para ipagpahinga, kanina pa kasi siya nakaharap sa laptop ni Pat. Naghahanap kasi siya ng trabaho na pwede niyang lipatan.
"Dadating na si Chad next week." Sabi ni Pat habang naglilinis nga sapatos niya. "Excited na excited nang makauwi yon, miss na miss na daw niya tayo." Tumawa si Pat.
Napangiti naman si Ardi dahil sa naging close si Pat at Chad. Nung college na kasi niya nakilala si Pat, hindi katulad nina Sean, Austin at Chad na kaibigan na niya since high school. Hindi niya inexpect na magkakasundo sila agad agad nung pinakilala niya si Pat sa mga kaibigan niya.
"Sana sinabi mo sa kanya na hindi natin siya na miss." Natatawang sabi ni Ardi.
"Magwawala yon." Sabi ni Pat, sabay kuha ng isang sapatos at nilinis. "Kumusta na pala yong Scott Mendiola? May balita ka pa ba sa kanya?"
Hindi nakasagot kaagad si Ardi. Hindi kasi niya sinabi kay Pat na nakipagdeal na naman siya dun kay Wren. "Ahmm...okay naman siya siguro. Ewan ko."
"Hmmm..." Yon lang ang nasabi ni Pat.
Napaupo si Ardi ng maayos dahil may natanggap siyang text at nabuhayan siya nang makitang si Scott ang nagtext sa kanya.
Ardi puntahan mo ako dito sa bar. Bilis.
Ok.
He replied at tumayo na din para magayos, may feeling siyang hindi maganda.
Napatingin naman sa kanya si Pat. "Oh, saan ka pupunta?"
"May bibilhin lang sandali." Sagot naman ni Ardi habang sinusuot ang pantalon.
"Magaalas onse na ah? May tinatago ka na naman noh?" Tanong ni Pat pero hindi din naman siya sinagot ni Ardi. "Ano na naman bang ginawa mo?"
"Basta, mamaya ko na sasabihin. Babalik din naman ako kaagad." Sabi ni Ardi at umalis na ng apartment nila para sunduin si Scott.
***
"Ardi!!" Tawag ni Scott at kumaway pa sa kanya.
Nakita naman siya ni Ardi at agad na nilapitan. "Oh, tara na." Yaya ni Ardi sa kanya.
"Wait, wait, uubusin ko lang 'to." Sabi ni Scott at ininom na ang shot niya, at straight pa.
Ardi made a face habang pinapanood si Scott, iniimagine niya yong lasa ng iniinom ni Scott. "Grabe naman ang babaeng 'to. Barakong barako."
Tumawa lang si Scott. "Let's go!" Sabi niya at tumayo na, agad naman siyang inalalayan ni Ardi kasi muntik na itong ma off balance. "Whoops! Okay lang ako, hindi pa ako lasing."
"Sinabi kong barako ka pero babae ka pa din." Sagot ni Ardi sa kanya and guided her out of the bar.
Scott looked away smiling. Gusto niyang kiligin sa ginawa ni Ardi pero wala naman siyang right na makaramdam ng ganun, pinigilan niya ang sarili.
Pagkalabas nilang dalawa sa bar ay agad na nagabang si Ardi ng taxi. "Kanina ka pa ba nagiisa sa loob?"
"Kinda." Sagot ni Scott.
Ardi flashed her a worried look. "Akala ko ba magkasama kayo ng boyfriend mo. Ba't ka niya iniwan."
"Hmmp..umalis siya eh. We had an arguement kanina kaya iniwan akong magisa." Sagot niya kay Ardi at kumuha ng isang sigarilyo at akmang sisindihan.
Pero napalingon si Ardi sa kanya. "Psst! Ano yan? Kebabae mong tao naninigarilyo ka." Suway ni Ardi sabay kuha nung sigarilyo ni Scott.
"Whatever." Scott rolled her eyes at kumuha ng isa pa, pero kinuha ulit ni Ardi sa kanya yong sigarilyo.
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Cerita PendekBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...
![ARDI [BOYS BE SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/82709015-64-k118663.jpg)