Pumasok na si Ardi ng Night Owl, seryoso ang mukha dahil sa pagod. Kakalabas lang niya ng trabaho at dumiretso kaagad sa Night Owl, dahil may usapan sila ni Scott na magkikita dun.
Nakita niyang nandun na si Scott kaya nilapitan na niya kaagad ito.
"Oh, you're here." Sabi ni Scott nang makalapit na si Ardi sa kanya. "Do you want some coffee?"
Umiling si Ardi habang paupo. "Okay lang ako. Ano na yong paguusapan natin?"
Scott smiled, yon ang gusto niya kay Ardi, business kaagad. "Don't you think na dapat natin kilalanin yong isa't isa? Since ipapakilala kitang boyfriend ko, a lot of questions would be popping out. Kailangan nating pagplanuhan ng mabuti yong setting natin."
Pinipigilan ni Ardi ang sarili na magroll eyes. May kutob siyang aabotin sila ng ilang oras dito. "O sige." Nasabi na lang niya. Wala din naman siyang magagawa.
Kinuha ni Scott sa bag niya ang isang planner at ibinigay kay Ardi ang nakaipit na dalawang papel dun. "I wrote some things about me, mga general lang naman yan para may idea. It would be weird kung hindi mo alam kung saan nagaral yong girlfriend mo, di ba?"
Tahimik lang si Ardi na binabasa ang mga nakasulat dun sa papel, at nalaman niyang major in fashion design pala si Scott. September 4 ang birthday niya, allergic sa peanuts, at favorite color niya is red.
"Ahmmm...I think you should do the same thing." Sabi ni Scott, pointing at the the other paper.
Napatingin naman si Ardi dun. Ginawa pala ni Scott na questionaire yon, mga basic questions lang din naman. Kinuha na niya kay Scott ang inaabot nitong sign pen at isaisang sinagutan ang mga tanong na nakasulat.
"Graduate ka pala ng advertising." Sabi ni Scott, peeking at the paper.
Ardi looked at her and slightly nodded, and then binalik ang attention sa sinusulat.
Scott bit her lower lip. Gusto niyang maging friendly kay Ardi dahil sa gagawin nila, ang kaso lang is hindi masyadong nagsasalita si Ardi. Nahihirapan si Scott magstart ng conversation sa kanya.
"Oh, tapos na ma'am." Sabi ni Ardi sa kanya at inabot ang papel na pinagsulatan.
Kinuha naman ni Scott yon. "Thank you." Sabi niya at inumpisahan nang basahin.
"Pagaaralan ba natin ang mga 'to ngayon?" Tanong ni Ardi, holding out the paper about Scott.
She was about to say yes nang maalala niyang galing pa pala ng trabaho si Ardi. "Gusto mo na bang unuwi para makapagpahinga?"
Sandaling natahimik si Ardi at napahinga. "Okay pa ako. Hindi din naman siguro tayo magtatagal?"
Scott smiled at him sincerely. Naaappreciate niya ang effort ni Ardi sa trabaho niya. "Don't you think kailangan din nating idiscuss ang mga 'to ahead?" Napansin niyang nakatingin lang si Ardi sa kanya with a questioning look. "Sorry ah, kinakabahan lang kasi ako."
"Hindi lang naman ikaw ang kinakabahan sa gagawin mo eh." Inabot na ni Ardi ang sign pen sa kanya. "Ako din."
Napayuko si Scott. She felt stupid dahil sa mga pinapagawa kay Ardi. "Sorry ah, kung anuano pa yong pinapagawa ko sa'yo. Desperada lang talaga ako."
"Kung nangangailangan ka talaga eh, nagiging desperada ka nga. Tulad ko. Kaya magtulungan na lang tayo." Sabi ni Ardi at inaral na ulit ang mga facts about Scott.
Ganun din si Scott, and every other time naguusap tungkol sa background nila para maging familiar naman sila sa isa't isa.
"Ahmm.. Scott, pwede na ba akong umuwi? May gagawin pa kasi ako sa apartment eh." Ardi asked her after an hour.
Napatigil si Scott sa kaka-take down notes ng mga bagay na nalaman niya about Ardi. "Hmmm? Pwede ba later na lang? Ang dami ko pa kasing gustong itanong."
Nakatayo na si Ardi at bitbit na yong bag. "Pwede mo namang itext na lang. Marami pa kasi akong aasikasohin." Totoo naman kasi ang sinasabi ni Ardi. Kailangan na niyang umuwi dahil maglalaba pa siya ng mga damit niya. Pero nang makita niyang nalungkot si Scott, nagbago isip niya. "Pwede naman tayong magkita bukas eh."
Scott's face brighten up. "Talaga?"
Tumango si Ardi. "Oo, same time pa din kasi morning pa din yong duty ko."
Napangiti si Scott. "So, pwede tayong magstay for two to three hours?"
Ardi nodded nang hindi nagdadalawang isip. "Oo." Sabi niya.
"Okay. See you bukas." Scott smiled at him gratefully.
Ardi gave her a small smile in return at tsaka umalis na ng Night Owl.
END OF CHAPTER SEVEN
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Short StoryBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...