"Sigurado ka bang okay ka na?" Tanong ni Ardi as he helped Scott get out of the taxi.
Fortunately, hindi siya lasing. Kasi hindi naman ito nagpakaloka at dinaan sa alcohol ang break up nila ni Wren.
Napangiti si Scott, palagi na lang kasing nagwoworry si Ardi sa kanya. "Oo, okay lang ako."
"Sorry kung kailangan nating umuwi kaagad, magaayos pa kasi ako para bukas." Sabi ni Ardi.
"Okay lang, naisipan ko din kasi na subukang iconvince si mommy na dun na muna ako kay kuya." She paused at napahinga ng malalim. "At kailangan ko pang itapon ang mga memorabilia ko kay Wren, as soon as possible."
Pareho silang napangiti habang nagtititigan, nakatayo sa labas ng bahay nina Scott. Parehong napapaisip kung kailangan pa ba nilang ipagpatuloy ang pagkikita nila, ngayon na wala na silang reason.
Kaya lang naman sila nagkakilala dahil sa deal na ginawa nila.
"Mauna na ako." Paalam ni Ardi sa kanya.
Scott smiled. "Thank you, sa lahat ah. Never mo akong pinabayaan." Sabi ni Scott.
Ardi scratched his head. "Sa pagkakasabi mo parang nagpapaalam ka na eh." Biro niya kay Scott. Nilapitan niya ito at nagfriendly hug. "May kutob ako na kailangan mo 'to."
Scott hugged him back kasi parang naiiyak na naman ito. "Pinipigilan ko pero ang sakit pa din." Dinaan na lang niya sa pagtawa ang sakit.
"Hindi mo naman kayang pigilan yan eh." He let go of Scott and stared at her. "You'll be okay, promise ko yan."
Scott gave him a weak smile. Kahit na bumitaw na sila sa kanilang friendly hug, they're still holding hands. Ayaw niyang bumitaw kay Ardi. She thinks its funny kasi parang nagseseek siya ng warmth from Ardi in every possible way, because she knows na nagiging okay ang lahat kapag nandiyan si Ardi. "I believe you, kasi totoo lahat ng mga sinasabi mo. Sige na, kailangan mo pang magready para bukas."
Ngayon, si Ardi naman ang mukhang ayaw bumitaw. "Are you sure okay ka na?" Tanong niya ulit while staring at Scott.
She felt awkward dahil sa pagkakatitig ni Ardi sa kanya. "Ikaw na ng may sabi di ba? Huwag nega, mawawala positive vibes ko." Biro niya. "Sige na, papasok na ako. Ingat ka."
Ardi slowly let go of her hand. "Sige, tawagan mo na lang ako kung may kailangan ka."
Scott's about to open their gate pero napatigil siya sa sinabi ni Ardi. "Hindi ka ba natatakot, baka masanay ako niyan sa mga pinanggagawa mo."
It took a few seconds para makasagot si Ardi. "...kaya nga." He shrugged. "Eh di masanay ka, wala naman sigurong masama...." Napatigil siya. "Sige na, aalis na ako."
"Okay, bye. Enjoy bukas." Sabi ni Scott sa kanya.
Ardi nodded at umalis na din nang makapasok na si Scott ng gate nila.
***
Scott's face brighten up immediately nang makapasok siya ng bahay nila. The first thing she heard was her kuya Gene's voice.
"Oh, you're home. May date ka ba?" Tanong ni Gene sa kanya.
"Ahmm...kasama ko si Ardi." Sagot niya. Napangiti lang ang kuya niya. "Ba't ka umuwi?" She asked since lumipat na ang kuya niya three days ago.
"Kinuha ko lang yong iba kong gamit." Sabi niya, showing the stuffs na nakalagay sa box. "Umalis nga daw pala si mommy. Mamaya pa siguro uuwi, gusto mo bang makita yong condo?"
"Actually, gusto ko nga sanang magpaalam kay mommy na magstay ako dun kahit three days lang...or a week. Kung okay lang sa'yo."
Tumango si Gene. "Okay lang sa akin, syempre. Pero magpaalam ka kay mommy na dun ka magsestay. Tawagan mo siya." Umupo na si Gene sa couch at nagrelax. "Mamaya pa naman ako aalis, wala naman si mommy dito eh." Gene doesn't hate their mom, he just doesn't like her attitude towards everything.
BINABASA MO ANG
ARDI [BOYS BE SERIES]
Cerita PendekBOYS BE SERIES BOOK 3 [COMPLETE] Inside joke na ng mga kaibigan ni Ardi na tuksohin siyang allergic sa babae. He doesn't have time meeting and mingling with girls, para kay Ardi priority niya ang trabaho niya at uunahin niya yon. Until he accepts a...
![ARDI [BOYS BE SERIES]](https://img.wattpad.com/cover/82709015-64-k118663.jpg)