Bestfriends

1.4K 171 23
                                    

Day 30 or the last day of the AMACon drabbles. Kaya eto - sinulit ko na. 😊

I'm posting it here already just in case it's hard to read at Twitter.

FICTION OK? OK.

Update: just realized that I did an erratum below for their ages dun sa 8 years later. 😅 sorry naman - lutang. Anyway - corrected it already!

//

"O, ano na naman iniiyak mo dyan?"

"Si... A-ano kasi eh..."

"Sino? Yung boyfriend mong gunggong?? Ano na naman ang ginawa nun sayo??"

"He broke up with me!! Waaaaah!"

"Huy! Susmaryosep! Maghunosdili ka nga! Kung makaiyak 'to. Oh, 'lika na nga dito. Tahan na. He's not worth your tears ok? No man ever is."

"Pero --"

"Shush. He broke up with you - that's his loss, not yours. You're a great girl, Menggay ko. Don't ever think otherwise."

"RJ?"

"Hmm?"

"Thank you."

"Sus! Wala yun. Ikaw pa ba. Ano pa at naging magbestfriend tayo? Ano - gusto mo bang sugurin ko na yung gagong ex mo??"

"Huy teka lang! Warfreak nito. Ok na ako. Dito ka lang."

"Hmp. Pasalamat ka - mahal kita. Kung hindi..."

"Talaga ba?"

"Ang alin?"

"Na mahal mo ako?"

"Oo nga! Anak ng tinola - lahat na nga ginagawa ko para sayo. Jusko. Assignment, tiga hatid-sundo, pangresbak, panakip butas kina Tito at Tita pag umuuwi ka ng late dahil kasama mo yung tarantado mong ex. Ano pa ba? Kulang na lang eh - ako na lang ang maging boyfriend mo talaga eh!"

"Grabe sya! Hindi naman kaya..."

"Ah talaga? Gusto mo isa-isahin ko --"

"OO NA!! OO NA!! Grabe talaga 'to. O sige - ganito na lang. In 20 years - pag single pa tayo parehas - tayo na lang ang magkatuluyan."

"Ha? Ano? Pakiulit nga? Seryoso ka ba dyan??"

"Oo nga! 35 na ako nun. Ikaw 38. Just in case lang ba. Although - malabo namang mangyari yun sa dinadami-dami ng babaeng humahabol sayo tapos - HOY! RJ!! GAGO KA!! BAKIT KA NAGNANAKAW NG HALIK??"

"Para sure na! Sealed with a kiss, ganon!"

"GAGO KA TALAGA! TUMAKBO KA NA DAHIL PAG NAABUTAN KITA - MAY KONYAT KA SAKIN!!"

//

4 years later, Age 19 and 22...

"RJ! Ano ba?? San mo ba ako dadalhin?? May date dapat ako ngayon with Andrew!"

"May gusto akong makita mo tungkol dyan sa Andrew na yan."

"Teka - sandali nga lang. Kasi dapat dun kami sa coffee shop magmee-meet --"

MGA PAKIWARI AT PAGMUMUNI-MUNI (An AlDub Collection of Poems and Short Stories)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon