CHAPTER 2

14.5K 339 8
                                    

CHAPTER 2

NEILAH

That night hindi ako makatulog. Simula noong makauwi ako galing school ang laging umeecho lang sa tenga ko ay ang binulong ni Stacey.


"Who are you?"


"Who are you?"


"Who are you?"


There's something about her voice. Something na para bang kilala nya kung sino ako pero hindi nya maintindihan kung bakit.


Same as me. She looks very familiar to me — like very familiar for some unknown reasons. I'm pretty sure na ngayon ko lang sya nakilala. Pero parang kilala ko na sya nang matagal na panahon na.


Pero teka. Bakit ba ako nabobother sa mga sinabi nang babaeng iyon? Tsk.


Ilang ulit akong nagpagulong - gulong sa kama ko. Ilang beses na din akong bumaba papuntang kusina para uminom ng gatas at ilang oras na din akong nagbasa nang libro kaganina pero sadyang hindi talaga ako dinadalaw ng antok.


Napatingin ako sa wall clock ko. Anak ng pitumpu't pitong pating naman. Ala - una na pala nang umaga. Maya - maya lang gigisingin na ako ni Tita at maya - maya lang din ay parang zombie na naman akong maglalakad sa school.


Saglit akong natigilan at napatingin sa kisame.


Sino nga ba ako? When i was a kid ramdam ko nang parang may mali saakin. Ewan ko ba. Lagi ko kasing nararamdaman na para bang may nakasunod saakin. Tapos parang may ewan akong nararamdaman na may kulang sa akin at kung ano man ang kinalalagyan ko ngayon ay mali.


And now, dahil sa tanong na iyon ni Stacey, natrigger iyong pakiramdam ko na parang may mali saakin. Kinalimutan ko na kasi iyon dati because it makes me feels like an alien!


It feels so weird.


Normal lang naman iyon di ba?


Tss. Imagination ko lang siguro iyon.


Pasuko akong tumayo at lumabas na lang ng kwarto. Kahit gabing - gabi na at halos wala nang ilaw ang buong bahay namin ay hindi ako natatakot na maglakad at pumunta sa mini - library ng bahay.


Kwento saakin ni Tita noong bata pa ako ay lagi daw dito nagpupunta si Papa kapag nabobored sya or hindi kaya kapag hatinggabi na at hindi pa sya makatulog — just like me sa sitwasyon ko ngayon.


Dahan - dahan kong binuksan ang pinto at binuksan ang switch ng library. Agad naman akong nagtingin - tingin sa mga librong maayos na nakalagay sa bookshelf ng library. Wala naman akong napansin na magandang babasahin para antukin ako. Kaya lalabas na sana ako nang may mapansin ako.


Sa pinakadulo at pinakasikip na bahagi nang library ay may maliit na ilaw doon na ngayon ko lang napansin.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon