CHAPTER 39

5K 123 20
                                    

CHAPTER 39

NEILAH

"— can't be sure about that."


"We're very sure, Master. Noong isang araw pa daw sya nawawala at hanggang ngayon ay hindi pa rin sya nakakabalik."


"Bakit hindi ko alam 'yan? Why didn't they say anything? I have the rights to know." 


Nagising ako dahil sa boses ni Erick at sa galit sa boses nyang iyon na pilit nyang pinipigilan. I slowly open my eyes and stretch my arms. Ramdam kong nanahimik din sina Erick at kung sino man ang kausap nya.


"Morning." Bati ko. Finally, nakita ko na din ang mukha ng kausap nya. "Strife? Bakit? May problema ba?" Tanong ko.


Tumingin si Strife kay Erick for some split seconds na para bang tinatanong kung pwede sabihin saakin kung ano man ang pinaguusapan nila kaganina. I narrowed my eyes.


Dahan - dahan akong tumayo nang makaramdam ako ng kaba dahil sa ekpresyon nya. Nawala agad ang antok ko nang may pumasok sa isipan ko. "What happened? May nangyari ba kay Tita Fiona? Or Allayza? Is it the rebels aga —"


Umiling - iling si Strife ng paulit - ulit. "No, Miss. I'm sorry kung pinagalala kita. It's not about Reaper Fiona or Miss. Allayza, it's all about Miss. Stacey."


Natigilan ako dahil sa sinabi nya. "Stacey? Stacey Werldon?" Napatingin ako kay Erick pagkatapos kong sabihin iyon. He's trying to maintain a straight face ngunit kitang - kita ang pagaalala nya sa kapatid nya kahit na pakiramdam ko ay may lamat sa kanilang dalawa.


Strife nodded. "She's missing, Miss. Since last last night. Her and Master's parents thought na nasa isang party lang sya since lagi naman na gabi daw nakakauwi si Miss. Stacey kapag pumunta sya sa isang party. Pero kahit daw ang mga kaibigan nya or mga kakilala nya ay hindi sya nakita. Tinanong din nila ang mga teachers sa Shingha University at ang mga CCTV doon pero hindi din sya nakita kahit saan." 


I swallowed after hearing that. Stacey is missing? Kahit naman ayaw ko sa ugali ng babaeng iyon ay ayoko pa din na may mangyaring hindi maganda sa kanya. I felt distressed when someone kidnapped Allayza and someone hurt Tita Fiona, paano pa kaya ang mga magulang ni Stacey?


Alam ko ang pakiramdam ng mawalan ng mahal sa buhay. Ganoon ang nangyari sa'kin dati noong mawala sina Kuya Nayr at ang mga magulang ko. 


Erick sigh. "You don't need to worry yourself, Neilah. The gangsters are trying their best to find her, okay?" aniya at pinatong ang kamay nya sa balikat ko. He squeeze it, trying to reassure me.


I nodded my head at nanahimik na lamang. I don't know what to say after all. Is it possible na rebels ang may gawa nito? Is it because of me again? The rebels did something to Allayza, that's what Erick said pero ni minsan ay hindi ko pa sya nakikita. Is it possible na gagawin din nila ang ginawa nila kay Allayza kay Stacey?


I bite my lower lip again nang mas lalo akong nakaramdam ng kaba at pagaalala. Why do i feel worry all of the sudden anyway? Stacey bullied me for years. She made my life miserable. I should be happy, hindi iyong nagaalala ako sa kanya.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon