CHAPTER 23

5K 111 4
                                        

CHAPTER 23

NEILAH

Kung nakamamatay lang ang tingin ay paniguradong double dead na si Erick. Kaganina pa ako masamang - masama na nakatingin sa kanya habang kaganina pa din sya patay malisya. Nakatingin lang sya sa harap at sa nagtuturo naming panot na Professor na tila ba hindi alam ang mga nakakamatay kong tingin sa kanya.


Dahil sa pangyayari kaganina ay kamuntikan pa akong hindi makapasok sa mga last subjects ko dahil na din sa ako pa ang pinalinis ng locker ko na sobrang baho at dumi imbis na iyong mga naglagay non doon.


E ako ba ang may kasalanan kung bakit nagkaganon iyon?!


Bwisit. Mukhang sineryoso talaga nila ang deal namin ng Hari nila.


But just like what i've promise, hindi ako susuko. Kahit kailan ay hindi ako yuyuko o luluhod sa hari nila.


Over my dead body.


"Are you done checking my handsome face?" Nagitla naman ako dahil sa biglang pagsasalita ni Erick sabay tingin sa direksyon ko.


Parang gusto ko tuloy i - nail cutter ang ngayo'y nakangisi nyang mukha.


Hindi na lamang ako nagsalita at binalik ang paningin ko sa harap. Napaisip ako bigla. He looks very happy kapag nakikita akong naiinis. Pero paano naman kung hindi ako magpakita ng emosyon?


Napangisi ako sa ideyang pumasok sa isipan ko. 


Well, i spent those past few years being emotionless and stoic sa tuwing binubully ako ng kapatid nya. Madali lang siguro kung gawin ko din ito sa kanya.


Wala naman kasing pinagkaiba ang dalawang iyan. A Werldon is a Werldon. Nasa lahi ata nila ang pangmamaliit sa mga taong mababa sa kanila e. Tch.


"Miss. Aguilar, can you please return this book to the library please? Mr. Zuwah, kindly help her." Utos ng Prof namin na agad naman naming ginawa. Sabay kaming tumayo ni Kian sa upuan namin at kinuha ang mga libro na hawak ni Prof sabay labas ng room papuntang library.


Habang naglalakad papuntang library ay pansin na pansin ko ang katahimikan ni Kian. It's like he's in the middle of deep thoughts which is very unusual dahil kapag kami lang dalawa ay sadyang napakadaldal nya (at nakakairita).


"Neilah." He called me. "Wala ka bang napapansing kakaiba?"


I raise my eyebrow. "Kakaiba? Wala naman. Bakit?"


"Ang weird lang kasi tayong dalawa ang inutusan ni Prof. I mean, yeah, it's not possible naman na utusan tayo ng Professor natin to do some stuffs pero sa halos tatlong taon nating pagaaral dito sa Shingha University ay kahit kailan man ay hindi tayo inuutusan ng kahit sino man dahil nandidiri sila saatin. I find it very suspicious though." Wika pa nya at tila ba nagiisip ng malalim.


Nagtataka din ako. Pero kahit na ganon ay isinawalang bahala ko na lang iyon. "Tss. Wag mo na lang isipin iyan. Baka tayong dalawa lang talaga ang trip utusan ngayon ni Prof." I answered pero mukhang hindi pa din sya kampante.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon