CHAPTER 45

4K 94 12
                                    

CHAPTER 45

LERRON

Dahan - dahan akong naglakad sa malawak at mahabang pasilyo papunta sa Council's Meeting Office. Ngunit kahit na patago kong hinihigpitan ang hawak ko sa baril na nasa bulsa ko at tinatalasan ko ang pandinig at paningin ko, napatalon pa din ako sa gulat nang may kamay na dumapo sa balikat ko.


I almost pulled the trigger directly into Layla's skull.


She gave me an amuse grin. "Your alert senses are getting rusty, Seinhart."


"Don't do that ever again."


May lakas loob pa syang nagkibit balikat saakin. "You're so tense. Another meeting again right? Bakit parang kabadong - kabado ka?" Tanong nya. Mula sa likuran nya ay nakita kong naglalakad sa pwesto namin sina Elias at Dash. Tinanguan ko naman sila habang tinitingnan sila mula ulo hanggang paa.


Damn. Dash's eyebags are bigger than mine. Ganun din si Elias na ngayon ko lang nakita na gulo - gulo ang maayos nyang buhok. Parehas din na hindi maayos at puno ng dumi ang mga damit nila na para bang hindi sila naligo simula noong nakaraang araw.


They're Dean's closest friends.


Doon ko lang din napansin na ilang segundo na pala akong hindi sumasagot sa katanungan ni Layla. "Second Head Council Jared Stallard." Simple kong sagot.


The Second Head Council. Kasing - lakas nya si Head Council Katz, ngunit may mga Council votes dati na sya ang laging nananalo. He's powerful, competitive, very smart and incredibly strong. It's a shame na hindi sya nananalo sa mga election (mainly because Master needs the Head Council — who controls the whole Council — to be on their side surely, kaya dinadaya nila ang botohan) at hindi sya isang rebel. Master failed to convince a genius like him.


Layla gave a low whistle. "Ooh. He's against us, right?"


"Yes. And he has a great deduction skill na nalalaman nya kaagad kung sino ang mga Rebels sa Council."


"Can we kill him?"


"Are you kidding me? Ilang buwan na 'yang iniuutos ni Master sa mga Rebels na nasa mataas na posisyon pero ni isa ay walang nakagalos kay Council Jared. He's smart, highly alert and one wrong move and he'll kill you."


"Kung alam nga nya kung sino ang mga Rebels sa Councils, bakit hindi pa din sya nagsasalita?" Tanong naman ni Dash na punong - puno ng pagod ang boses. Tuluyan na silang nakalapit saamin and i almost wince when i saw their worn out face.


Instead, i shrug. "I don't know too. Maybe dahil baka walang maniwala sa kanya, mas lalo na na yung mga Rebels na 'yon ay mga high rank Councils at mataas ang tingin sa kanila. Or maybe, he's working secretly and trying to find the right time to strike. Or maybe, alam nya na kahit malakas sya ay wala pa din syang laban sa isang malaking Organization. Or maybe both." 


Hindi naman mapigilan ni Elias na irolyo ang mga mata nya. "Trust you to deduct many theories easily." Ani nya then i was struck by a sudden realization na eto ang unang beses nya na marami syang sinabi simula noong sumali sya saamin.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon