CHAPTER 29

4.4K 100 0
                                    

CHAPTER 29

NEILAH

Mariin akong bumuntong hininga.


It's been hours since Allayza left me here. Hindi ko alam kung saan sya nagpunta basta nagpaalam na lang sya saakin na lalabas daw muna sya. Well, i don't care dahil kung ano - ano ang nilalagay nila sa mukha ko!


For goodness' sake, why would i agree to do this in the first place? I always knew na ganito ang mangyayari saakin sa tuwing pumapayag ako sa mga kalokohan ni Allayza. She loves having a makeup on her face while i certainly do not. We're very different.


Muli akong bumuntong hininga nang may kung ano silang inilagay sa pisngi ko. Dahil hindi ako sanay na nilalagyan ng makeup ay ramdam ko ang bigat ng mukha ko. 


It's so awkward. Like i spend my whole life na naglalagay lang ng pulbo and now, may lipstick na ako sa labi at foundation at eye liner and god knows kung ano -ano pa.


I sigh again.


"Ma'am, close your eyes po." Utos ng isa sa mga nagme-makeup saakin. I close my eyes with a sigh again.


Hindi ko na alam kung saan nagpunta si Allayza at hindi ko din alam kung ilang oras na ako na nasa ganitong sitwasyon. Maliban sa mukha ko ay may kung ano- ano din silang ginawa sa braso, kamay at paa ko. Medyo kinakabahan na nga ako dahil for sure ay ilang oras din akong nandito at ilang oras ko ding hindi naramdaman ang presensya ni Allayza.


Where the hell is she?! Don't tell me na iniwan nya ako para ako magbayad sa mga bayarin dito ah. No way. Hindi kakasya kahit ang tatlong buwan kong allowance.


Nilulublub nila ang buhok ko sa hindi ko alam kung tubig ba iyon. Tapos may nagpepedicure saakin at manicure. Tapos may nagaasikaso sa mukha ko. At ang tanging nagagawa ko na lang ay pumikit at bumuntong hininga ng paulit -ulit.


I really hate doing this. Pero sa ngayon lang talaga. Sa ngayon. I swear to god bukas na bukas ay buburahin ko kaagad ito.


"Anong gusto mo pong hair style, Miss?" Someone ask pero hindi ko sya sinagot. Pineapple cut kung pwede! Tch.


Allayza, nasan ka na ba?


"Hi Roberto!" Speaking! Napadilat ako ng mata pagkarinig sa boses ni Allayza dahilan upang pagsabihan ulit ako ng isa sa mga nagaayos saakin. "Kamusta na sya? Okay na ba? Pwede ko na bang makita?" At kasunod non ay ang nakakarindi nyang tili. Nagtinginan tuloy sa kanya lahat ng tao na nandito.


"Nah-uh. Wag ka ngang excited Allybaba. Mas matagal, mas bongga! Baka maging Miss. Campus sya ng taon kung sakali." At tumili din ang bakla na ginatungan din ng tili ni Allayza.


Napapikit na lang ako at halos mapatakip ng tenga dahil sa nakakarindi nilang tilian. They're very excited while i'm not! I hate having something on my face! Tsaka hindi ko 'to itatagal hanggang bukas. Tatanggalin ko kaagad 'to pagtapak ko pabalik sa Mansion.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon