CHAPTER 16

6K 143 21
                                    

CHAPTER 16

NEILAH

Nagsimula na ang Quiz Bee.


Sobrang tahimik ng paligid na tanging ang naririnig lang ay ang mga tanong ng mga judges at ang tunog ng mga buttons kapag sasagot na ang mga contestants. At syempre ang mga sagot nila na kapag tumatama ay sumisigaw ang school na pinanggalingan nila.


Napatingin ako sa score board.


East National University - 11 points


Saint South Alfonso High - 9 points


Morgue International School - 15 points


Wings of Dragon National School - 16 points


Shingha University - 6 points


Napailing - iling ako.


"Nako. Ano bang nangyayari kay Papa Erick?"


"Ang SU ang may pinakamababang score ngayon ah."


"Hala nahuhuli na tayo."


"Sinasabi ko na nga ba bobo iyang Werldon na iyan e."


"Pagpapagwapo lang ang alam ahaha"


"Ssh boys! Shut up!"


Sa pangalawang pagkakataon ay umagree ako sa kanila. Sinasabi ko na nga ba at lalagapak ang lahat ng pinaghirapan ng mga dating pinanlalaban ng SU sa contest na ito dahil sa Erick Werldon na yan. E kung titingnan nga ng mabuti ay para lang syang nagrerelax habang yung ibang school na kalaban nya ay halos masira na yung answer button mauna lang makasagot.


Tapos sya ... urgh!


I knew it. Alam kong papansin lang itong lalakeng ito. Napakayabang. Pagpapagwapo lang alam. Tsk.


Nang tiningnan ko sya ay saktong napatingin din sya saakin. Sinenyasan ko sya na sumagot sya. Pero para lang syang nangaasar na umiling - iling!


Bakit ba lahat ng bagay ginagawa lang nyang biro?! Hindi nya ba alam ang lahat ng pinaghirapan ng dating contestants ng SU para lang mamentain ang scores ng school?!


Does he think na dahil sya ang Hari ng mga Gangsters ay papaboran sya ng mga judges?!


I look at the judges silently. Mukha pa nga lang nila ay parang kakainin na nila ng buhay si Erick.


Nadako ang atensyon ko sa isa sa mga judges na nakaputing suit at puting hat. He's looking at the contestants and writing on his notebook ngunit pansin ko ang madalas nyang pagtingin tingin kay Erick.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon