CHAPTER 33

3.9K 91 1
                                    

CHAPTER 33

NEILAH

Hindi nagtagal ay nagsipasukan na din ang mga Gangsters to check on Tita Fiona. Marami sa kanila ang nasa labas lamang sapagkat hindi sila kasya sa loob ng kwarto at para hindi din masyadong sikip. Ngunit meron din na nasa loob at nagpapaingay sa loob ng kwarto.


I almost smile. Nawawala ng kaunti ang mga naiisip ko ngayon dahil sa mga ingay nila.


"Hey, you okay?" Inangat ko ang paningin ko dahil sa nagsalita at muli akong kamuntikan ng mapangiti nang makita ang nag- aalalang ekspresyon ni Andi. 


I nodded. "Yeah. Just a little dizzy." Dizzy because of everything that happens today. From Tita Fiona to Allayza... and to that bloody 'war'...


"You want water?" alok nya saakin.


"No. I'm good." Pilit akong ngumiti sa kanya ngunit alam kong nag - aalala pa din sya saakin. Napaigtad na lamang ako nang may baso ng tubig na tumambad sa harapan ko.


"Drink." Walang emosyon na aniya ni Erick habang hawak - hawak pa din ang baso ng tubig.


"I said i'm not —"


"Drink."


I sigh and almost rolled my eyes. Pang - ilang beses ko na iyang inom sa isang baso ng tubig dahil panay ang bigay ni Erick simula noong pumasok sya sa kwarto na para bang mahihimatay ako any minutes na hindi ako uminom ng tubig.


Well, maybe.


Kita ko kung paano pasimpleng ngumiti si Andi sa isang gilid dahil sa ginawa ng Master nya. I glared at her while drinking the water. Para namang ginugusto ko na nasa akin ang atensyon ni Erick. Tch.


Nag - iba ang ngiti ni Andi. She gave me a reassuring smile at tumabi saakin habang nakatingin sa maingay na mga Gangsters. She pat me on my shoulder. "Don't look at me like that. I'm just worried. We're worried. You look pale, Miss." Puna nya pa.


I almost sigh, again. I'm well aware na maputla ako ngayon. Ramdam ko din ang panlalamig ng mga kamay ko at panginginig ng mga binti ko. Para bang kahit na anong oras ay babagsak na ako.


Naramdaman ko na may kung anong humawak sa mga kamay ko na malamig. Napatingin akong muli kay Erick nang makita ko ang mga kamay nya na nakahawak sa mga kamay ko. His hands are very warm and very safe.


Humarap ako kay Andi at ngumiti. "I'm fine now." Especially now that he's here.


Ngumiti saakin si Andi na para bang alam nya kung ano ang tinutukoy ko.


Hindi rin nagtagal ay dahan - dahang bumukas ang pintuan at pumasok ang isang Doctor at dalawang nurse na magche- check kay Tita. They check her vitals and more at sinabi din nila saamin na stable na daw sya. Any minutes from now ay magigising na si Tita.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon