CHAPTER 22

5.6K 121 5
                                    

CHAPTER 22

NEILAH

The other day, ang sarap - sarap ng tulog ko. I dream about a handsome prince charming trying to kiss me, though alam kong imposible. Dahil sino ba naman ang magkakagusto sa isang katulad ko di ba? Yet parang ayoko ng magising. He dance with me the whole night, be with me all the time. He is just too charming.


Pero natigil na lang ang lahat ng biglang may kung anong malamig na bagay ang bumuhos sa buong katawan ko. 


Napabalikwas ako ng bangon. At doon ko lang napansin na basang - basa ako pati ang bed sheet ko. And it is all just a dream.


"What the freaking he —"


"Good morning nerd." Napatingin ako sa nagsalita. It's Erick na may hawak na balde. He is grinning from ear to ear at halatang sobrang saya na kabaliktaran ng pakiramdam ko ngayon, which is gustong gusto ko syang ibitin patiwarik. "Mukhang maganda ang tulog mo ah, pero hindi na ang paggising mo. Because I'm here to ruin your day." Sabay bato nya saakin ng baldeng hawak nya na agad ko namang sinalo.


Tumalikod na sya at akmang lalabas na ng kwarto ng tumingin ulit sya saakin. "And oh. Pakilabhan naman ng bed sheet. Masanay ka na. This is our Gangster way of saying good morning. For the next days and weeks or months na matutulog ka sa Mansyon ko ay ganyan ang manggigising sayo." He said, emphasizing the word ko bago tuluyang lumabas ng kwarto.


Paglabas naman nya ay mabilis kong binato ang balde na hawak ko sa pader sa sobrang inis.


Dammit! Ang ganda na ng panaginip ko!


I never thought that living in this Mansion is hell. Sabi ko na nga ba't pahihirapan lang ako ng Werldon na iyan habang nandito ako sa Mansyon nya!


I hate you Erick Werldon!



_____


Pagkatapos ng pangyayaring yon ay hindi na ako sumabay sa mga Gangsters na kumain. They are very busy minding their own business habang ako ay nakayuko namang bumaba ng hagdan at lumabas ng Mansion para pumunta na ng school.


E hindi naman kasi kami close. At tsaka nakita ko kasing nandoon din ang punyetang Hari nila kaya hindi na ako nakisama pa.


Paglabas ay nakita ko pa ang isa sa mga driver nila na para bang naghihintay saakin. He offered to drive me papunta sa school pero umiling - iling na lamang akong naglakad papalayo.


Wrong move.


Kasi hindi ko naman na sobrang layo pala nitong Gangster Mansion at hindi kakayanin ng paglalakad lang!


Halos isang oras na akong naglalakad pero puro puno lang ang nakikita ko. Sobrang tahimik lang din ng paligid na umaabot sa puntong tanging ang mga huni lang ng mga ibon ang naririnig. Idagdag mo pang walang nagsisidaan na sasakyan dito. Gumawa pa sila ng kalsada! Bwisit!

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon