CHAPTER 3

13.9K 302 5
                                        

CHAPTER 3

NEILAH

Natapos ang dalawang pinakaunang subject namin (ng tahimik at matiwasay) at lunch na. As usual, punong - puno na naman ang canteen pero buti na lang may nabaon ako kahit papaano.


Nakita kong nakaupo si Kian sa pinakasulok - sulukang table sa canteen. Apat ang upuan dito pero wala man lang ni isa ang may balak o plano man lang na umupo sa tabi nya.


Perks of being a nerd.


Naglakad ako sa pwesto nya at walang pasabing umupo sa harapan nya. Halata naman ang gulat nya nang makita nya ako.


"Hey." Bati nya saakin ng makarecover sya sa gulat.


"Hey. Magisa ka lang?" Bati ko sa kanya pabalik.


Kumagat muna sya sa burger nya bago nagsalita. "Bakit? May nakikita ka bang kasama ko?" Pambabara nya pa kaya naparoll eyes na lang ako.


Nilabas ko ang baon ko sa bag; kanin at may ulam na bacon at hotdog. Nilabas ko din ang soda ko na kanina ko pa kinuha sa vending machine. Napatingin naman ako sa kinakain nya. Burger and footlong with soda din.


"Hey Neilah." Pagtatawag nya saakin kaya napaangat ako nang tingin. "Ano ang palagay mo sa Erick na iyon?" Tanong pa nya at nakatingin sa isang partikular na direksyon.


Sinundan ko yun ng tingin and there i found the living Adonis creature na si Erick Werldon. Kumakain ito nang magisa sa apat na upuan ding table at para bang walang pakialam sa paligid nya kahit na kapansin - pansin ang mga malalanding tingin ng mga kababaihang nakapalibot sa kanya.


Bakit magisa lang sya? Where are his friends?


"Wala. Wala naman akong pakialam sa kanya." Monotone kong sagot at nagumpisa nang kainin ang ulam ko.


"Same. Pero kasi may something sa kanya na para bang dapat nating iwasan." He look at me intently.  "Iwasan mo sya. I'm telling you, may something sa kanya na nagpapaiba sa kanya bilang King of the Gangsters. Baka mapahamak ka lang."


Bored ko naman syang tiningnan. "As if naman may balak akong pansinin sya." Sagot ko sa kanya at uminom ng soda ko.


"It's look like pinagtutuunan ka nya nang pansin. Be careful Neilah." Pagbibigay babala nya saakin na para bang last day ko na sa mundo.


Ano bang nangyayari sa nerd na ito? Nasobrahan na ba sya sa pagbabasa ng mga libro nya at kung ano - ano ang sinasabi?


"Yeah yeah right." Walang kwenta ko na lang na sagot sa kanya kasi seriously, wala akong pakealam sa lalakeng iyan kung sino pa sya, kung saan ang pinanggalingan nya, kung paano sya naging Erick Werldon at kung gaano kataas ang IQ nya. Wala talaga akong pake.


Basta ba he will not gonna be one of those bullies na pilit nagpapapansin saakin then he and I will forever be in piece.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon