CHAPTER 58
ERICK
I'm not stupid. I'm also not naive. Alam ko na malalaman at malalaman nina Strife at ng mga Rebels ang patungkol saakin. I know that i'm not that careful and quiet nang pumunta ako sa Control Room.
Pero kahit na halos isang dosenang Rebels ang nasa harapan ko ngayon at nakatapat saakin ang mga hawak nilang machine gun habang nakatayo sa gitna nila si Strife, nakangiti pa din ako.
After all, nagawa ko na ang dapat kong gawin. My job is done. Kung mabubuhay man ako pagkatapos nito o hindi ay wala na akong pakialam. Atleast the Gangsters will have a bigger chance to win this war.
Strife glared at me so furiously na pakiramdam ko ay pinapatay na nya ako sa isipan nya. "What a surprise. The great King of the Gangsters murdering innocent people." he hisses.
Pinalawak ko ang ngisi ko. "You mean like, the great King of the Gangsters murdering murderers."
"You're too brave huh? Coming into our Control Room and killed everybody, and yet endangering your safety. You should stay to your room when you have the chance, Zaifful Villaruel." Madiin nyang sambit at kinasa ang kaliber nya.
"Just a caliber for me? My, my, i'm offended, little brother."
Nakita ko ang namumuong ugat mula sa noo nya. "Don't fucking call me that!"
"Why? Iyon naman talaga ang tinatawag ko sa'yo ah?" Nakangisi ko pa ding tanong.
Ilang minuto nya akong tiningnan ng masama, bago sya dahan - dahang ngumisi at binaba ang hawak nyang kaliber. Nilagay nya ang kaliwang kamay nya sa bulsa nya at tumawa ng malawakas. "Ah yes. I'm your little brother and you're my older brother. You know, napakataas ng tingin ko sayo, Kuya, pero simula nang tumakbo ka sa responsibilidad mo sa pamilya, you're just a coward you know. A pitiful coward who passed the crown to be the Villaruel Heir to me."
My smile twitch but i didn't let it slide off my face. He's right. Of course, he's always right. I ran away, not thinking about my siblings. Kung gaano kalaking responsibilidad ang maipapasa kay Senji.
Right. Senji. Strife. Kaya pala nakagaan ng loob ko sa kanya. Kaya pala ang bilis kong nagtiwala sa kanya.
He's my younger brother.
How time have passed. Dati lang ay magkatabi kaming dalawa habang nageensayo at tanda ko pa kung paano nya ako tingnan na para bang ako ang pinakamagaling sa lahat. But now ...
I finally let my smile slide off my face. But now, he's in front of me. Nakatutok ang baril nya saakin at sobrang sama ng tingin nya saakin. His eyes are full of hatred, very different from the way he looks at me before.
Like i'm his idol.
"Did i hit a nerve, Kuya?" Ngisi nya pa din saakin. He laughs manically at dahan-dahang itinaas ang hawak nyang kaliber sa ulo ko. Kinasa nya ito ng malakas. "I will never forgive you. You left us behind. You left us, your siblings, para lang sa isang babae na nagsimula ng unang digmaan sa pagitan nating lahat! You're a martyr! At tingnan mo, sya na naman ang naging dahilan kaya nagsimula ang pangalawang digmaan! Why can't you see it, Kuya? Why can't you see that you're killing yourself just for that damn princess?! For that devil princess!"
BINABASA MO ANG
The Secret of the Campus Nerd ✔
ActionNeilah Aguilar is a nerd, a perfectly normal one with bullies chasing after her. Gusto lang naman nya ng tahimik na buhay, ngunit unti-unti itong nagulo nang biglang pumasok sa buhay nya ang new transferee ng Shingha University, the King of the Gang...
