CHAPTER 4

13.1K 264 7
                                    

CHAPTER 4

ERICK

Galit na galit kong sinipa ang trash can na nakita kong nakakalat sa labas ng bahay namin pagkapasok ko.


Nakakaasar talaga yung Reivens na iyon! Kaganina pa ako nagtitimpi sa isang iyon e. Kahit na sabihin nilang mas matanda pa iyon saakin at mas may karanasan sa pakikipaglaban ay hinding- hindi ko sya uurungan!


How dare her accuse me to hurt her niece? Eh ni hindi ko nga iyon makausap. Napakailap. Napakanerdy.


At napakaOA pa nya. Ipatawag ba naman ako sa Principal's Office dahil lang sa tingin nya ay sinasaktan ko na ang pamangkin nya? I'm trying to be a good boy there you know. Nagbabagong buhay na ako. Slight.


Nakasimangot at padabog akong pumasok ng bahay namin para magpahinga sana pero isang nakakainis na pagmumukha ang bumungad saakin pagkapasok ko pa lang. Isang nilalang na nakadekwatrong nakaupo sa red couch namin at masamang nakatingin sa akin.


Just like me. Masama din akong nakatingin sa kanya.


Tss. Magkapatid nga kami.


"Bakit ka pa ba nagtransfer sa school na pinapasukan ko?" Naiinis nyang tanong saakin at nagcross arms. "My life there was already quiet and peaceful. Wag ka nang manggulo." Dagdag pa nya.


Emotionless lang akong tumingin sa kanya. "The feeling is mutual, sister. Sa palagay mo ba, ginusto kong magtransfer sa isang school na kasama ka? Nah. Not in a million years. Sina Mom lang naman ang may gusto nitong pausong ito." Masama din ang mood ko ngayon kaya wala akong ganang makipagusap sa kanya.


Paakyat na sana ako papuntang kwarto ko nang bigla nya akong tanungin.


"Did you find her?"


Bumalik ako nang tingin sa kanya. Araw - araw nyang tinatanong sa akin yan kahit na gaano pa ako kabadtrip at kung anong oras pa ako umuwi. She is always asking me about the lost princess.


That is, i don't know why.


"No." Bored kong sagot. "Pero may clue na ako para mahanap sya." 


Napatingin sya sa akin. I don't know but i saw a glimpse of excitement in her eyes. Or imagination ko lang iyon?


"Tss. Bakit ka ba excited na excited na mahanap ang lost princess huh? E ni hindi mo nga kaibigan iyon." Sambit ko sa kanya pero nagiba na sya nang tingin at tumayo na tsaka umalis ng tahimik.


Tingnan mo yun. Napakabipolar.


Napabuntong hininga ako dahil pakiramdam ko ay mas nabwisit pa ako dahil sa ugali ng kapatid ko. Dali - dali akong umakyat papunta sa kwarto ko to wash myself and calm my mind.
















NEILAH

"Hey Neilah. Anong nangyari?" Yan agad ang pambungad saakin ni Kian pagkapasok ko nang classroom namin. Wala nang mga estudyante sa loob ng classroom ngayon dahil lunch na. At ang nakakatuwa pa sa lahat, halatang excited syang malaman ang nangyari dahil sya na lang ang natira sa room.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon