CHAPTER 6

10K 236 12
                                    

CHAPTER 6

NEILAH

Kinabukasan, mahimbing akong natutulog sa kama ko nang bigla akong nagising dahil sa malakas na pagsara nang zipper ng bag malapit saakin.


I open my eyes. Una kong nakita ang pamilyar na black na bag ni Tita at sya na para bang may kung anong inaayos sa couch.


"Tita?" Pagtatanong ko. Bumangon ako mula sa pagkakahiga at nagtatakang tumingin kay Tita while rubbing my eyes. Agad naman syang tumingin sa direksyon ko.


"Hey, gising ka na pala." Sagot nya at kinuha ang tray ng pagkain malapit sa kanya. Lumapit sya sa kama ko at umupo sa gilid non. "Kumain ka muna. Kailangan mong maging magaling agad. Me and my friends are going out of the country for now kaya pinapunta ko muna si Kian dito sa Hospital para bantayan ka." Dagdag nya pa.


I look at her, confuse. "Out of country? Saan ka naman pupunta Tita?" Why now?


"Just business." Maikli nyang sagot at nilapag ang tray sa lamesita katabi ko. Muli nyang hinaplos ang buhok ko and look at me na para bang sinusuri ako.


"Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik or kung makakabalik pa ba ako. I want you to stay in our house, Neilah. Wag na wag kang lalabas unless may kasama ka. Inutusan ko na din si Kian para bantayan ka at alagaan ka. Wag na wag kang makikipagusap sa kung sino sino and especially ..." Tumigil sya saglit and look into my eyes. "Stay away from Erick Werldon while i'm gone. Okay?"


Kinilabutan naman ako sa mga sinasabi ni Tita. Bakit parang namamaalam sya?


"Hindi ko alam kung kailan ako makakabalik or kung makakabalik pa ba ako."


Pumasok sa isipan ko ang mukha ni Tita Fiona na duguan at walang buhay ang mga mata. I shuddered. What the hell is that? Bakit ako napaisip ng ganon?!


"O -Okay Tita." Yon na lang ang naisagot ko sa dinami - daming katanungang nasa isip ko. Bakit sya biglaang aalis? Anong gagawin nya? Aalis talaga sya kung kailan takang - taka na ako sa mga nangyayari sa paligid ko? Bakit parang namamaalam sya at hindi na babalik pa?


"Good." She pat my head. "Zuwah will be here shortly. But for now, kainin mo muna yang pagkain mo. Baka mahuli pa ako sa flight ko." May nilagay pa syang kung ano sa black bag nya na nakalagay sa couch at humarap sa akin.


"Tandaan mo lahat ng sinabi ko sayo ha? I will be calling you from time to time. Be a good girl, Neilah. Lahat ng ito ay ginagawa ko para sayo." Lumapit ulit sya sa kama ko at hinalikan ako sa ulo. 


"Goodbye, my niece." Tuluyan na syang lumabas ng kwarto bago pa ako makapagsalita pa. 


Nang makalabas na sya, mas dumami pa ang mga katanungang naglalaro sa isip ko. Ginagawa lahat ng ito para saakin? What does she mean by that?


I want to run towards Tita to ask her this many questions inside my head. Pero parang may pumipigil saakin. 


The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon