CHAPTER 19

5.9K 126 0
                                    

CHAPTER 19

NEILAH

Mabilis na lumipas ang mga araw after that incident. Marami akong gustong gawin para makabawi kay Erick at sa lahat ng pagliligtas na ginawa nya sa akin. Gustong - gusto ko syang bantayan noong nasa Hospital sya because I felt guilty at feeling ko ako ang dahilan kaya sya nasa ganoong sitwasyon pero hindi ko magawa.


Why? Because everytime na pupunta ako ng Hospital ay marami syang bantay at kapag akma akong papasok sa loob ay pinipigilan ako ng mga bantay nya. One time nga naabutan ako ng Mommy nya na pilit na pumapasok sa loob ng kwarto ni Erick. But all she ever did was to stop me and sent me away.


Isang beses nga din ay may naabutan akong magandang babae na nasa labas ng kwarto ni Erick at may mga kasama pa sya. She looks very familiar to me maybe because isa sya sa mga taong nakita ko na nagligtas saamin noon. I ask her about Erick pati na din ang mga kasama nyang lalake pero galit na galit sya sa akin.


"It's all your fault! " Gigil na gigil na sigaw nya saakin. Pilit syang pinapakalma nang mga kasamahan nyang lalake. "Bakit ba kasi ikaw pa ang naging prinsesa?! Marami namang mas magaling at hindi bobo katulad mo! At dahil sa kabobohan mo, look what happened! Napahamak si Master Erick! Kamuntikan ng mawalan ng Hari ang mga Gangsters! "


I was shocked. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin ko. Ako? Prinsesa? 


I can feel a headache forming in my head. There are those voices again na hindi ko malaman kung ano. It feels like i heard it before pero parang blangko ulit ang utak ko.


Where did i heard it again? Oh yes. I eavesdrop before. But when? Where? I can hear Erick's voice and other voices at naaaninag ko ang isang kotse sa harapan ko. Pero wala akong matandaan.


"Ang makuha si Neilah Aguilar."


It's like there's a blank space inside of my head again.


"Marzie. Dammit. Stop it. " Pilit syang pinipigilan nung isang lalake pero di sya nagpapatigil. Pilit pa din syang lumalapit saakin at halos lumuwa ang mga mata ko nang makita ang hawak - hawak nyang katana.


"Ano ba! Wag mo nga akong pigilan! It's time para ipamukha sa prinsesa na tulad nya ang katotohanan! " Hinarap nya ako at dinuro. "You are worthless, do you hear me? Worthless! Walang kwenta! Kung ako lang naman ang papipiliin ay sana binigay ka lang sa mga kalaban para walang problema! You are such a pathetic freakin princess! "


Napapikit naman ako pagkatapos kong matandaan ang mga sinabi nung babae. Why does it hurt pagkatapos nyang sabihin ang mga iyon saakin? And what is she talking about? I'am not a princess. Sa itsura kong ito, kahit aso hindi maniniwala na prinsesa ako. At tsaka kahit naman na prinsesa daw ako, bakit wala akong matandaan? Bakit parang wala naman akong memorya patungkol doon?


I know that Red said something about me being a princess, but knowing that he's an enemy and one of those people who wants to kill all of the gangsters ay pilit ko na lang itong kinakalimutan.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon