CHAPTER 8

8.5K 186 6
                                    

CHAPTER 8

NEILAH

First kiss is over. Yan talaga ang paulit - ulit na umeecho sa isip ko bago ako matulog, pagkagising sa umaga, paggawa nang daily routine ko bago pumasok ng school at ang talagang pagpasok ko sa school.


Hindi ko alam kung ano ang mararamdaman ko. But in general, sobra ang nararamdaman kong pagkabwisit kay Erick. Like, I know that he's handsome and all! Pero hindi naman iyon dahilan para magnakaw ng kiss! First kiss pa!


Mahigpit kong hinawakan ang straps ng bag ko habang naglalakad papuntang school. I'm a little bit glad na hindi ko makakasama si Kian papasok ng school kasi maaga syang pumasok to finish some things, kundi baka nakita na nya ang pamumula ng mukha ko — parehas dahil sa inis at pagkahiya.


How can I tell my future husband that my first kiss was stolen by an arrogant Gangster?!


Para na tuloy akong zombie maglakad (as usual) at para bang lumilipad ang isip ko sa outer space sa sobrang dami ng iniisip. Sa sobrang lalim hindi ko na naramdaman ang mga nakakaloka nilang tingin sa akin habang naglalakad ako papasok ng gate namin.


Yung tingin na nandidiring nagtatakang ewan. E ganon naman talaga ang mga tingin nila sa akin araw - araw. Yung tingin pa na sinasabing sana hindi ka na nabuhay sa planetang earth. Tss.


Isinawalang - bahala ko ang mga tingin nila at tuluyang pumasok ng school papuntang class bulletin board. Pagkakita pa lang saakin ng mga estudyanteng naroon ay agad na silang nagalisan papalayo habang nagbubulungan.


At ang narinig kong binubulong nila? "Sana hindi na lang pumasok ang nerd na yan. Nasisira ang araw ko."


I sigh and rolled my eyes in annoyance secretly at tumingin sa bulletin board namin ng mga nasa Top. Ngayon kasi malalaman ang mga nasa Top Achievers ng buong school o hindi kaya ng bawat classrooms sa school.


Napataas ako ng kilay dahil sa nakita ko.


TOP ACHIEVERS OF SHINGHA UNIVERSITY

1. Erick Werldon

2. Neilah Aguilar

3. Kian Zuwah

4. Stacey Werldon

5. Gia Carrol Abellon


Top Achievers ng Shingha Univerisity at pangalawa na lang ako? Nakakagulat man pero napatingin pa din ako sa Top Achievers ng room namin dahil may naramdaman akong masamang kutob.


TOP ACHIEVERS OF ROOM A - 1

1. Erick Werldon

2. Neilah Aguilar

3. Kian Zuwah

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon