CHAPTER 37

4.6K 103 4
                                    

CHAPTER 37

NEILAH

Ilang minuto din ang lumipas na nasa loob lamang kami ni Erick sa kotse nya at kumakain ng ice cream. I never bother to look at the time dahil alam ko din naman na late na talaga kami. Mas maii - stress lang ako kapag nalaman ko pa. Napuno lamang ang buong kotse ng ingay ng radio.


Maya - maya pa, pagkatapos naming dalawa na kumain ay nagsimula na ding mag - drive si Erick papunta sa school. He hum with the tune of Can't Help Falling In Love at hindi ko magawang hindi makisabay.


Pag - park ni Erick ng kotse nya sa parking lot nya ay akma na sana akong lalabas when he holds my wrist. Napatingin ako sa kanya habang nanlalaki ang mga mata pero may something sa mga mata nya habang nakatingin saakin.


"Stay here." He said at bumaba ng kotse. Umikot sya papunta sa pwesto ko at pinagbuksan ako ng pinto.


I blink several times bago ko naintindihan kung ano ang ginawa nya. Did he just ... tried to be a gentleman?


Erick rolled his eyes impatiently. "Bababa ka ba o ibabagsak ko 'to sa mukha mo?" aniya dahilan upang maparolyo din ako ng mga mata ko.


So much for being a gentleman daw.


Bumaba na din ako at tumango sa kanya, wordlessly saying my thanks. Maglalakad na din sana ako papalayo when he holds my wrist again and slide his hands into my hands.


Nanlaki ang mga mata ko at halos mawalan ako ng hininga dahil sa ginawa nya. Agad kong naisip ang mga estudyante na posibleng makakakita saamin kapag nakita nila na hawak kamay kaming papasok ng Shingha University ni Erick. Panibagong gulo na naman 'to!


Pilit kong binabalik ang kamay ko mula sa kanya ngunit mahigpit nya lamang itong hinawakan. He rolled his eyes again at hinila na ako upang magsimula na kaming maglakad papasok ng school.


Kahit habang naglalakad kami ay pilit kong binabalik ang mga kamay ko. Ano bang ginagawa nya?! Hindi nya ba naiisip ang reputasyon nya?! Or kung ano man ang sasabihin ng mga estudyante and even teachers sa kanya?! How about her sister?! Paniguradong magagalit ito!


Kahit na kaganina pa nagsimula ang klase ay marami pa ding estudyante ang nakakalat sa hallway ng school. At lahat sila ay nakatingin saamin habang hinihila ako ni Erick papunta sa classroom namin.


I can feel my face heating up and i duck my head in embarassment, and also in annoyance. Of course this is part of Erick's plan at eto ang bayad ko dahil hinatid nya ako papuntang Shingha University. Of course sinadya nya talaga na hawakan ang mga kamay ko at kaladkarin ako papunta sa classroom namin, all to embarrass the nerd at ipahiya sa maraming tao.


Ugh. And here i thought na nagbago na sya. Weeks of being together still doesn't change the fact that he's my bully, apparently.


May pakiramdam ako na maraming hindi nagustuhan ang makita ang heartthrob nila na ka - holding hands at kasama ang nerdy geek nila. Ramdam ko ang kaba sa puso ko nang makita ko ang masasama nilang mga tingin na kulang na lang ay ilibing na ako ng buhay.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon