CHAPTER 11
NEILAH
Ang matinding sikat ng araw ang nagpagising saakin. At kasunod naman noon sakto ay ang malakas na tunog ng alarm clock ko. Agad akong bumangon at napatingin doon. 1 hour before my first class starts. Good. Hindi na naman naging tanga yung alarm clock ko.
Humiga agad ako and tried to fall asleep. Nakahanda naman na ang ng gamit ko. Maliligo na lang ako, toothbrush, kakain ng niluto ni Tita Fiona and then hwala! I'm all done.
A few minutes of little nap are not that bad.
Papikit na sana ang mga mata ko nang may maamoy ako.
Bakit amoy... sunog?
Kinda weird. Tita Fiona is like a professional chef at maayos ang pagkakaluto nya.
And then something occured to me.
Pero hindi ba umalis si Tita Fiona at matatagalan pa ng kaunti ang pagbalik nya?
Ako lang naman ang naiwan saa — wait. Kasama ko pala ang dalawang ewan na mga lalake dito. Oh yeah. The childhood nerd bestfriend and the arrogant King of the Gangsters.
Pero hanggang ngayon nangangamoy sunog pa din talaga. Is it possible na isa sa kanila ang nagluluto doon?
Impossible.
Impossible?
Possible!
Napabalikwas naman agad ako ng bangon at patakbong lumabas ng kwarto ko. Paglabas ko, mas nangamoy sunog pa!
Ang malaking tanong pala dito ay kung marunong ba silang magluto! But base on this damn smoke na bumungad saakin pagkalabas na pagkalabas ko nang kwarto ko ay parang alam ko na ang sagot.
"Erick! Kian!" Sigaw ko at napatakbo na ng tuluyan papuntang kusina kung nasaan nanggagaling ang usok at ang amoy sunog.
Pagdating ko doon ay agad kong kinuha ang fire extinguisher at tinanggal ang usok o apoy o kung ano man ang naroon. Eventually, nawala din sya na thank god naman ay nawala din bago pa umuwi si Tita Fiona na sunog ang buong bahay.
And there in the corner i found them. Nakaapron at umuubo pa. Sa mga mukha din nila halatang hindi sila makapaniwala sa nangyari.
"Damn it! Sabi ko kasi sayo wag mo damihan ang mantika!" Sisi pa ni Erick habang pinupunasan ang mukha nyang puno ng itim.
"Ako pa?! Eh sino ba ang nagsabi na damihan ko pa ang lagay ng tubig ha?!" Si Kian naman habang umuubo pa at pinupunasan din ang apron na gamit.
"You're so stupid!"
"You're such an idiot!"
BINABASA MO ANG
The Secret of the Campus Nerd ✔
ActionNeilah Aguilar is a nerd, a perfectly normal one with bullies chasing after her. Gusto lang naman nya ng tahimik na buhay, ngunit unti-unti itong nagulo nang biglang pumasok sa buhay nya ang new transferee ng Shingha University, the King of the Gang...
