CHAPTER 12

7.3K 165 5
                                        

CHAPTER 12

NEILAH

Malapit na ang araw ng Quiz bee. Kahit hindi ako ang ipambabato ng school namin ay kinakabahan pa din ako. Nako naman kasi. Baka mamaya mawala pa sa records ang Shingha University bilang isang pinakamatalinong school na taon - taong naguuwi ng Grand Medal sa ganyang event. Sayang naman ang pinaghirapan ko doon noong nakaraang taon para lang mamaintain iyon!


Kinakabahan talaga ako. Usap - usapan sa buong school ang patungkol sa Quiz bee. Todo cheer sila kay Erick at napaparoll eyes na lang ako. Hindi ba nila makitang cheat lang ang pagiging Top 1 nya sa over all?!


Oh well. What do you expect, Neilah? Mukha lang naman ang labanan. Tch.


Pagpasok sa room, ayon din ang laman ng usap - usapan. Nang makita ako ni Kian ay agad syang lumapit saakin at nag- abot ng lollipop na ikinagulat ko.


"Oh." ani nya.


"Ano to?"


"Lollipop." Aba, pilosopo din.


"I mean, para saan ito?" I almost rolled my eyes after asking that to Kian. Minsan talaga, may pagka- pilosopo ang nerd na'to.


"Para mawala kaba mo. Kilala kita, alam kong kinakabahan ka na baka matalo ang buong school kapag si Werldon ang ipinambato sa Quiz bee." Sagot nya at napangiti ako. Kian really knows me well.


Kinuha ko kaagad iyon at pabagsak na umupo sa upuan. Tumabi naman saakin si Kian at nagsimulang magbasa ng libro nya.


"Trust him." Biglang wika nya kaya napatingin ako sa direksyon nya.


"Trust who?"


Binaba nya ng dahan - dahan ang libro nya and look at me while wearing a deadpan expression. "Alam mo Neilah, minsan slow ka din. Malamang si Erick." Sorry naman di ba?


"At bakit ko naman iyon pagkakatiwalaan?" Mataray kong tanong.


"Just trust him. Mapapanalo nya ang Quiz bee." Nag- umpisa ulit syang magbasa ng libro habang napataas ng 90 degrees ang kilay ko.


What the hell happened? Bakit parang ang taas - taas ng tiwala ngayon ni Kian kay Erick kahit na noong isang araw nga lang ay kulang na lang magpatayan sila?


It only makes my blood boils so much.


"Hindi ko kasi maintindihan, Kian. I mean hindi mo ba napapansin? May cheat sa pagkuha ng Top 1 sa overall! That Erick doesn't deserves it. Sana man lang bago sya inilagay sa Top 1 at binoto ng mga students bilang ipambabato ng school sa Quiz bee ay nagisip muna sila sa mga pinaghihirapan ng mga nakaraang year na pinambato mamentain lang ang pagiging Top 1 ng school! Nakakainis talaga." Asar kong pahayag at padabog na sinuksok sa bibig ko ang lollipop ko.


"Ang laki naman ng pinaglalaban mo." Monotone na sagot ni Kian, but clearly, naiintindihan nya ang point ko. "Hayaan mo na lang kasi. Naiinis ka lang lalo e."

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon