CHAPTER 24

5.2K 105 4
                                    

CHAPTER 24

NEILAH

"A - Aray Ate. Magdahan - dahan ka naman."


"Magdahan - dahan. Napapala mo. Napaka - palaaway mo kasi."


Napangiwi na lang ako ng idiin ni Ate Sheilyn ang pack of ice sa sugat ko sa mukha. Ganoon din si Kian na napasigaw naman sa sakit ng ibuhos ni Ate Sheilyn ang agua sa sugat nya sa binti.


Sheilyn Zuwah. Kian's eldest sister. Napakabait pero minsan lang namin makita na umuwi sa bahay nila dahil ata sa mga mission na ibinibigay sa kanya sa ni Erick, and yes she's a Gangster living inside of it. Sya ang ipinadala galing sa Zuwah Clan. As far as i can remember, she's the Gangster's spy underground at talagang minsan lang din sya bumalik sa Gangster Mansion. Once in a blue moon lang sya bumalik sa bahay ng mga Zuwah kaya nagulat ako ng makita ko sya na nageempake sa kwarto nya. At alam kong nagulat din sya ng umuwi kami ng maaga at puro sugat ang buong katawan galing sa school.


Napabuntong hininga ako. Buti nga at naabutan namin si Ate Sheilyn noong umuwi kami ni Kian sa bahay nya nang puro sugat ang mukha at katawan simula nong pinagbabato nila kami ng mga bola noong P.E Class, kahit medyo nakakatakot dahil brutal nya kaming ginagamot.


Ate Sheilyn thought na nakipagaway kami. Hindi pa nya alam ang totoong nangyari. And i don't think so kung maniniwala sya because Ate Sheilyn is one of those Gangsters na naninirahan sa Gangster Mansion, and all of them think highly of Erick.


"Hindi naman ako nakikipagaway ah!" Namimilipit sa sakit na depensa ni Kian.


"Anong hindi nakapagaway? E anong tawag mo dyaan sa mga sugat mo, nakuha mo kasi nadapa ka lang?!" Sigaw ni Ate sabay diin ng cotton buds sa sugat nya kaya't napangiwi ako habang napasigaw muli si Kian sa sakit.


"Wag kang ano. Parang kagat lang 'yan ng langgam makasigaw ka naman. OA nito." Umiling - iling si Ate at humarap naman saakin. "Oh akin na yang sugat mo, Neilah." Kamuntikan na akong manlamig dahil sa sinabi ni Ate pero inabot ko pa din sa kanya ang kamay kong may sugat.


"Ano bang nangyayari sa inyong mga bata kayo ha? Ganyan na ba talaga ang henerasyon ng mga nerd ngayon? Palaaway? Nakakaloka." Wika ni Ate habang ginagamot ang sugat ko. Buti naman at hindi nya diniinan saakin.


"E Ate kasalanan naman to lahat ni Erick Werldon e." Iritadong sumbong ni Kian na agad nagpakunot ng noo ni Ate Sheilyn. I froze.


"Erick Werldon? Si Master? But why?" She ask at panaka - nakang tumingin saakin with an expression that i can't explain.


What? Why is she looking at me like that?


"Anong why Ate? Because of that Erick Werldon kaya kami nagka- ganito. Mas malala pa sya sa kapatid nya porke't napapasunod nya ang mga estudyante sa Shingha University. He bullied us."


Ate Sheilyn looks genuinely confuse. "What? But ... that's impossible." She whispered the last part na halos hindi ko na ito narinig pa. Para syang natigilan sa mga sinabi ni Kian at tila ba hindi naniniwala.

The Secret of the Campus Nerd ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon