CHAPTER THIRTY SEVEN:TAMPO

131 5 2
                                    

Dumiritso kami ni sammy sa bahay nila kaharap ko na ngayon ang lahat nang mga kapatid niya na sobrang sama nang tingin sakin.

"May magagawa pa ba kami? Eh nagpakasal na kayo nang hindi namin alam eh"--onyx

"You have to get married again this time make it public.. and you lawrence you have to earn our trust... ayaw ko magsama kayo sa iisang bahay habang hindi pa kayo graduate understood?"--tyrone

Sabay kaming tumango ni sammy, isa nalang ang problema ko, my dad.

Biglang umalis si dylan na parang galit kaya nagtaka ako, susundan sana ito ni sammy pero pinigilan ito ni ford.

"Nagtampo lang yun sammy wag ka magalala"naupo ulit si sammy sa tabi ko pero nakatingin parin sa pinto.

[SAMMY'S POV]

Nagkaroon nang 3 days at 2 nights educational trip ang boung students kasama ko sa iisang bus si lawrence at kath pati na din ang WLTLN club.

Nagtataka lang ako kasi hindi parin ako kinakausap ni kuya dylan, ni hindi niya ako pinapansin at hindi na din siya nagpupunta sa bahay kaya inisip ko nalang na busy siya para sa last swimming competetion na gagawin niya next month.

"Okay ka lang princess?"tumango ako at ngumiti kay lawrence.

"HALA!!? GUYS OMAGAD!!!"napatayo kami at napatingin sa likod nang sumigaw si collins.

"Baket? Anyare?"kit

"Si terrence nahihilo daw"tumayo ako at tumabi kay terrence na nakangiwi.

Pinasandal ko siya sa balikat ko at pinatulog niyakap naman niya ang kamay sa beywang ko.

Para ko na kasing kapatid tong si terrence.

"Eomma.. T.T nahihilo ako"mahina niyang sabi.

"Sige lang matulog ka lang"

"OI!! HAHA MAY NAHIHILO DIN DITO! SI LAWRENCE HAHA"kit

"NAHIHILO SA SELOS"ken

Napatingin ako sa harap at nakitang naghabulan ang tatlo.

Pagtingin ko kay lawrence seryuso lang siya at umayos nang upo pagkatapos mabatukan ang kambal.

Hanggang sa pagdating namin sa lugar hindi niya parin ako pinapansin deritso lang siya sa kwarto nila.

"Bes.. selos yata yun"napatingin ako kay kath.

"Ha? Bakit?"

"Isa pang manhid"pinaikot niya ang mata at iniwan ako na nagtataka.

Pagkatapos magbihis pinatawag na kami sa labas lahat para sa first activity namin na gaganapin sa beach.

"I'll divide you all into 4 groups, now pick one paper"black ang nabunot ko, nang makabunot na lahat.

"Now, all pink go to the left, all white in the right, all black in my back and lastly all blue in my front"tuwang niyakap ako ni terrence dahil magka grupo kami.

Pagtingin ko kay lawrence nasa white team siya kasama si brea at ang ibang WLTLN members hindi parin niya ako pinapansin.

"Now you all go get your activity uniform and get dress i'll see you all in 20 minutes"pumasok na kami sa loob at kinuha ang mga damit.

Nagpalit na ako sa C.R isang black v-neck shirt na may #09 sa likod at maikling jogging shorts na kulay puti.

Lumabas na kami lahat sa beach, pero pagdaan ko sa may garden nakita ko si lawrence na katabi ni brea na nag-uusap at nagtatawanan kaga medyo nainis ako.

when the badass falls in love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon