chapter thirty-nine:fake pregnancy

136 7 3
                                    

Sammy's POV

Napansin ko na kanina pa tahimik si lawrence habang nagda-drive parang balisa siya kaya hinawakan ko ang kamay niya."lawrence..may problema ba?"sinulyapan niya lang ako at nginitian bago binalik ang mata sa daan.

"I'm okay princess."hinawakan niya ang kamay ko at hinalikan."mahal kita, I'll do anything to make you mine."ngumiti nalang ako at tinoon ang mata sa kalsada.

I'm always yours lawrence, always.

Dumating na kami sa school pero hanggang pagbaba hindi parin binibitawan ni lawrence ang kamay ko may problema talaga, ang higpit nang hawak niya sa kamay ko.

"Lawrence?"nagulat ako nang hinila niya ako payakap sa kanya not minding the students na nakakakita.

"I love you my princess,sorry kung gago ako gusto ko wala nang hahadlang satin, I want you to be mine."napangiti nalang ako at yumakap din sa kanya.

"Mahal din kita."kumalas siya sa pag yakap sakin at nagulat nalang ako nang bigla niya akong halik at tumakbo na palayo natawa nalang ako.

"Ehem.. agang landian?"pang-aasar ni kath ngumiti lang ako sa kanya at sabay na kaming pumasok sa room.

After class nagpunta lahat nang students sa gymnasium para manood nang basketball game nina lawrence this week kasi ay sport festival taga ibang school ang kalaban nila.

Sobrang ingay na sa gym nang dumating kami nagsasayaw ang mga cheerleaders sa harap kasali don sina brea doon kami pumewisto sa pangalawa sa harapan nandon din ang ibang WLTLN members para mag cheer.

Nagsigawan ang iba sa girl students pati na din yata sa mga babaeng students sa kabilang school nang lumabas si lawrence na naka basketball uniform.

"Ghad. Bess.. masama bang sabihin kung ang hawt nang jowa ko."natawa nalang ako sa sinabi ni kath sinalubong ko si lawrence bigla naman niya aking niyakap at binuhat bago ako binaba.

"I'm glad you're here princess."hinalikan niya ako sandali at niyakap ulit ako.

"Good luck."napansin kung nag pout siya at umismid.

"No good luck kiss?"pinigilan kung matawa pero hinalikan ko siya sa labi nang sandali na kinangisi niya.

"I love you."tumalikod na siya paalis pero agad din bumalik na parang may nakalimutan."asan na ang I love you ko?"nakangisi niyang sabi kahit kailan talaga.

"I love you."mas lalo lumapad ang ngiti niya, napangiti nalang din ako.

"Pwede isa pang kiss?"akmang hahalik siya kaya kinurot ko na ang tagiliran niya."ouch haha hindi na."

"Umayos ka sasampigain kita."tumawa lang siya at bumalik na sa ka team niya bumalik na din ako sa upuan, nakita ko pa ang mapang-asar nilang ngiti.

Pinakilala na ang dalawang team na maglalaban pero biglang nanlaki ang mata ni nathan at napamura kaya napatingin kami sa kanya.

"Bakit dude?"takang tanong ni ken.

"That group, sila yung nakalaban namin dati sa highschool."problemadong sabi ni nathan.

"Anong problem non nate?"taka kung tanong.

"This is going to be a bloody fight, malaki ang galit nila kay lawrence dahil binugbog sila ni lawrence dati."napanga-nga kami lahat at walang nagsalita napatingin nalang kami sa court.

Napansin ko nga ang ngisi nong captain nang kabila habang nakatingin kay lawrence na nakangisi lang nagsimula na ang laro unang naka score si lawrence na kinasigaw nang crowd.

when the badass falls in love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon