CHAPTER THIRTY-TWO:APART

122 6 0
                                    

[SAMMY'S POV]

Kanina ko pa ako text nang text kay lawrence pero ni isa sa message ko hindi niya sinagutan.

Pati mga tawag ko hindi niya sinasagot dalawang araw na syang ganito pati sa mga barkada niya hindi niya sinasagot.

"Wala parin ba?"umupo sa tabi ko si nathan.

"He seems fine, hindi niyo ba nakita ang nga post niya sa IG?"--Maven

"Dude.."pigil ni shawn kay maven.

"Sasabihin ba natin?"--kit

Tumango si clark inabot naman ni kit sakin ang loptop niya.

I saw some pictures of lawrence and hana they look happy together and sweet ayaw kung magselos kasi may tiwala ako kay lawrence pero bakit masakit?

Sinauli ko kay kit ang loptop at lumabas nang WLTLN club sinundan ako ni kath.

"Ok ka lang best?"tumango ako sabay upo sa bench.

"Ilang araw na ba siyang hindi nagpapakita sayo?"tumabi sakin si kath.

"Two days na"

"No text? Or call?"umiling-iling ako.

"Teka nga sammy.. hindi ka naman siguro buntis no?"

"Hindi"

"Sabi ko na nga ba g*go ang lawrence na yan eh anong gusto mo ipa salvage natin yun!?"

"Wag na kath baka kasi may dahilan lang siya"

"Iwan ko lang sayo sammy ha pero yang mga lalaki pag nagsawa na sila sayo hindi na sila nagpapakita hindi na nagpaparamdam"hindi ako naniniwalang lolokuhin niya ako nang ganun ganun lang.

Nagpaalam na ako kay kath nang lumabas na si kuya dylan sa klase niya.

"Lets go?"tumango ako at sumunod kay kuya dylan.

Ano nga kayang nangyari sa kanya? Bakit bigla nalang siyang hindi nagparamdam sakin?

"Sammy are you okay?"

Baka may problema siya ano naman kaya yun?

"Sammy!"napalingon ako kay kuya dylan.

"Whats wrong with you?"

"Wala kuya may iniisip lang ako"sumandal ako sa bintana at tumingin sa labas.

Nagkulong lang ako sa kwarto at nanood nang T.V wala akong ganang kumain o kaya ay makipag kulitan sa iba.

Pinapanood ko silang dalawa ngayon sa isang interview. Bakit parang ang saya saya ni lawrence habang kasama siya?

Hindi man lang ba niya ako naaalala?

Gusto ko lang ngayong mapag-isa, hindi ko alam pero nalulungkot ako kapag hindi ko siya nakikita o nakakausap.

Bumabalik ako sa dati, gusto ko palagi nalang mag-isa feeling ko walang nagmamahal sakin.

Madaming pumapasok na bagay sa isip ko na baka hindi na niya ako mahal, na pinagpalit nya ako sa iba o kaya ay nagsawa na siya sakin.

Binaon ko sa unan ang mukha at umiyak, ayaw ko marinig nila akong umiiyak ayaw ko makita nila na hindi ako okay.

Ayaw ko may mag-alala sakin, gusto ko walang ibang mag-alala sakin.

[NATHAN'S POV]

Nag meeting ang WLTLN club members ngayon dahil kay sammy ang sabi ni kath ilang araw na daw na may sakit at hindi pumapasok.

Si lawrence hindi na ma contact.

when the badass falls in love (Editing)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon