'WELCOME TO WESTLAKE CITY!'
A large city, westlake is a big and rich city. Masagana ang mga establisyimento, maging ang mga naninirahan rito. Sa apat na pagkakahati ng Lalawigan ng Malias- Ang eastlake, westlake, northwoods at southwoods, Westlake ang tinaguriang pinakamalaki at pinakamaganda. Malaki rin naman ang ibang city gaya ng eastlake at southwoods, pero ayon sa iba, ang northwoods daw ang pinakamahirap na city. Mula sa maladisyertong lupa nito, hanggang sa bagsak na ekonomiya.
"Boss, maki-ingatan po 'yang huling box, babasagin po kasi yung laman niyan." Lagot ako sigurado kay mama kapag may nabasag sa mga gamit ko.
"Okay, ito na yung huli," Saad ng inarkila kong maghahakot ng mga gamit ko
"Salamat po." Saka ko na inabot ang bayad ko sa kanila.
"Walang anuman. Sana'y maging masaya ang pagtira mo rito sa westlake, iho."
Nagpaalam na sila kaya't pumasok na ako sa apartment.
"I'm finally here."
Sa wakas nakalipat narin ako't nakapagsarili. I even begged my mom to let me live independently. Mabuti nalang at matapos ang ilang pamba-bribe sa kanya ay pumayag rin siya.
"Iho, nandito ka na pala. Ako si Aling Rosing, ako ang landlady ng apartment na ito," bati sakin ng isang may katandaan na babae.
"Magandang araw po."
"Ano? kamusta ang lugar, ayos lang ba sa 'yo?"
May kalakihan naman itong apartment na pinaglipatan ko. Maganda rin daw ang nakuhang prize ni mama para rito. Bago palang na tayo itong apartment kaya kaunti palang ang mga katabi kong bahay, more on compound-type ito dahil magkakahiwalay yung bawat bahay.
"Maganda naman po, malaki rin." Mag-isa lang naman ako, e.
"O, siya, mauuna na muna ako sa 'yo ha at may aasikasuhin pa ko. Maligayang pagdating sa Lopez' Apartment. Sana'y masiyahan ka sa pagtira rito," saad niya bago siya tuluyang umalis.
Tinupi ko na hanggang kalahati ng braso ang suot kong longsleeves at sinimulan ng ayusin ang mga gamit ko. Mabuti nalang at may isang linggo pa 'kong bakasyon bago ang pasukan.
Matapos ang ilang oras ay naayos ko na ang kalahati sa mga gamit ko. Kaunting boxes na lang natira.
Tumunog naman ang cellphone ko kaya't agad kong sinagot ang tawag.
"Hello ma."
(Kamusta anak? maganda ba yung lugar na napili ko?)
"Yes ma, I like it," saad ko habang pinapasadahan ng tingin ang loob ng bahay.
(Mabuti naman. Nakapag-ayos ka na ba?)
"I'm nearly done, ma."
(O, kumain ka na ba?)
"Not yet, pero kakain narin po ako."
(You want me to come over?, I'll bring you lunch.)
"No need, ma. I can manage."
Malayo-layo rin ang magiging byahe kung pupunta pa rito si mama.
(You sure?)
"Yes, ma. I'll be hanging up okay, tapos kakain na po ko."
(Okay. JB, anak magi-ingat ka diyan. Bye anak.)
"Bye, ma. Take care too."
(I will, son. I love you anak.)
"Love you too, mom." Then I ended the call.
"Now... What will I do for lunch?"
Sa labas nalang siguro ako kakain ngayon, hindi ko pa nache-check 'yung kusina, e.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantastik'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One