Ch. 33: The Jealous One

458 15 0
                                    

*ARINNE SHIA*

"Now, what the heck are you doing here?"

Bakit ba parati na lang may cabalist rito sa bahay ko?

"Ha? Sasama ako sa 'yo. I want to visit your school," sagot niya.

Napakunot ang noo ko.

"Bawal. No Id, No entry policy kami. Balik ka na sa Org." saad ko pa at isasara na sana ang pinto nang pinigil niya na naman ito.

"Sige na naman, Shia. Please. Ngayong araw lang naman, e."

"Hindi nga pwede. At may training ka pa, 'di ba?"

"Sige na. Please, please... Please."

"Hay... Ang kulit mo talaga, Alex!"

"Sige na kasi, pumayag ka na. Ano? Okay na? Tara na!" aniya at hinatak na ako palabas ng bahay.

Paano bang nalaman ng bampira na 'to kung saan ako nakatira?

"Aishh! Oo na, h'wag mo na 'kong hatakin."

"Yey! Tara na," aniya at nagsimula ng maglakad.

"Saan tayo sasakay, Shia? Sa jeep ba o sa tricycle?"

"Tricycle," sagot ko na lang. Hindi naman yata talaga siya excited na lumibot sa school ko, e. Gusto lang talaga niyang sumakay ng jeep t'saka tricycle.

"Okay. Pero mamaya, pwedeng sa jeep naman?" tanong niya kaya tumango na lang ako.

Nang may dumaan na tricycle ay pinara na namin saka sumakay.

"Ano ba, Alex? Maupo ka nga!" Ang likot-likot ng lalakeng 'to. Pati tricycle inaakyat ang bubong.

"Boy, bawal 'yan. Mahuhuli tayo ng pulis. Upo ka lang," suway pa sa kanya ng driver kaya pinilit ko na siyang pinaupo at hinampas pa ang braso niya.

"Kapag 'di ka tumigil, ihuhulog talaga kita rito," banta ko pa kaya nagtigil na siya.

Pero pagkababa palang namin sa tricycle ay nagtatakbo na siya papunta sa gate ng University.

"Uniform mo? At bakit 'di ka naka-ID?" tanong ng guard sa kanya.

Lalapitan ko na sana siya pero nagulat na lang ako nang yumuko sa kanya ang guard at pinapasok siya.

"Hoy, Alex. Anong ginawa mo sa guard?"

"I hypnotized him," sagot niya.

"Kaya mong gawin 'yon?"

"Oo, pero pili lang. Hindi ko kayang gawin 'yon sa kapwa ko bampira at mga matatalinong tao."

"A, so natural 'yon sa mga kagaya mo?"

"Oo, lahat ng bampira kayang gawin 'yun."

"Okay... Teka, h'wag kang--- Alexander!" sigaw ko nang tumakbo na naman siya paalis.

"Naku! Napakaisip-bata talaga!"

-------

*JB*

"Sa'n ka na, Arinne? Mage-eight na."

(Nasa school na 'ko. May hinahanap lang. Ayun! Hoy!) Tapos biglang namatay ang tawag.

"Sino naman kayang kausap nu'n?" tanong ko pa.

"Ano bang sabi, pre?" tanong ni Eli.

"Nandito na raw siya. May hinahanap lang," sagot ko naman.

"Sino naman?"

"Ewan, mukhang hinahabol niya pa, e. Baka estudyante," sagot ko na lang.

"Wow. Aga niya magtrabaho, a. Nanghuhuli na agad."

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon