*ARINNE SHIA*
It's eleven in the evening, and I am exchanging stares with this woman who suddenly knocked at my frontdoor.
"What the hell are you doing here, Melora? 'Di ka ba informed na alas-onse na?" tanong ko kay Melora na prenteng nakaupo sa sofa ko.
"I am aware of the time, lady. And I am also aware that you're still awake at this time, so there is no harm made," sagot niya.
Grabe 'tong bata este matandang 'to!
"Fine. Ano na ngang ipunta mo rito?"
"Gutom ako," aniya.
Saglit akong natigil.
"Gutom ka? Kaya ka nandito?"
Baliw ba 'to? At bakit niya kailangan magpunta rito kung gutom lang siya? At isa pa...
"Hindi ako marunong magluto, Melora. Anong ipapakain ko sa 'yo?" tanong ko na lang.
"Alam ko rin ang bagay na iyon, binibini. Kaya't halika na at aalis tayo," aniya at tumayo mula sa pagkakaupo saka tinungo ang pinto.
"Halika na," muli niyang tawag.
Naku naman, o!
"Oo na." Sinuot ko ang hood ko at lumabas na ng bahay.
"Saan ba tayo pupunta, Melora?"
"Sa iyong kaibigan. Hindi ba't doon ka madalas kumain?" saad niya pa kaya napatigil ako sa paglalakad.
"Ano? Kay Jb tayo pupunta? At pa'no mo nalaman 'yon?"
"Sinabi ko na sa 'yo, hindi ba? Nasa talaan ko ang lahat. Kaya halika na." Hinatak na niya 'ko at mabilis na naglakad. Dahil malapit lang nga ang bahay ni Jb ay agad rin kaming nakarating doon.
"Teka, Melora. Hatinggabi na, o. Tulog na siya niyan. Ililibre na lang kita sa seven-eleven," pagpupumilit ko pa pero nagpatuloy lang siya sa paglalakad at pumasok sa gate ng Lopez' Apartment.
"Ang kulit talaga," naibulong ko nalang.
Huminto siya at hinintay ako na makalapit sa kanya.
"Kumatok ka na," aniya pa.
"Bakit 'di ikaw ang kumatok? Ikaw yung gutom, 'di ba?" Lumapit naman siya sa akin at pinitik ang noo ko.
"Aray! Bakit na naman ba?!"
"Kumatok ka na."
"Tsk. Ito na nga, o." Kumatok na ako ng tatlong beses. Kakatok pa sana uli ako pero bumukas na ang pinto.
"Arinne?"
"Hi?" alanganing bati ko. Nalipat naman ang tingin niya sa babaeng kasama ko.
"Magandang gabi, Ginoo," saad ni Melora sa kanya.
"Ah... Good evening rin," sagot ni Jb.
"Ano, Arinne. Pasok kayo," aya pa ni Jb.
"Dude, sino yan?"
"Eli?" tanong ko nang makita siya sa loob ng bahay ni Jb.
"At Ivan? Oh. Nandito kayong lahat?"
Maging si RJ nandito at nakaupo sila sa sahig na nilagyan lang ng comforter. Isang linggo ko ring pilit na hindi iwasan si RJ. Hindi ko kasi alam paano siya pakikitunguan mula ng malaman ko ang nararamdanan niya, kahit sinabi niyang walang dapat magbago.
"Eto na 'yung popcorn, o. Rinne? Oh my... Hi, Miss beautiful!" Gusto ko sanang sapakin si Martin dahil sa daldal niya pero pinigilan ko na lang. Agad niyang nilapitan si Melora at hinawakan pa niya ito sa kamay.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One