Ch. 14: The Fiery One

686 39 2
                                    


"So this is her?"

"Yes boss."

"Base sa nasagap naming balita, siya ang kasama ng leader nila nang oras na 'yon."

"So, she was a member?"

"Oo boss, pero matagal na siyang kumalas at bumalik lang siya minsan nang kidnapin ni Santi ang isa sa mga kaibigan niya."

Well, she is a strong one. And that's great.

*Bang

"Bull's eye." matapos kong tamaan ang letrato niya sakto sa ulo nito.

"Arinne Shia Parker... You'll be mine."

And that's for sure.

~~~~

"Arinne Shia Parker!"

"wha-- what? may sunog?" agad kong sagot habang papungas-pungas pa.

"Ano na naman bang ginagawa mo ha Shia?!" sermon saakin ni Mia.

"Obviously, i'm sleeping Mia." sagot ko sa kaniya saka inayos ang nagulo kong buhok mula sa pagkakahiga.

"Haven't I told you na ite-train mo yung bagong cabalist?" galit na tanong niya.

Ah... the one with the hot gift. Literally hot. Apoy eh.

"Oo na." saad ko saka na lumabas ng quarters.

Sabado na kaya't nandito ako sa Org. Matapos kasing sumama nung lalake saakin kahapon ay inutusan ako ng superiors na i-train siya.

Una dahil ako lang ka-kilala niya raw at pangalawa, hindi siya mahawakan ng ibang cabalist.

Literal na nga-iinit ang katawan niya, to the point na malalapnos ang sinumang humahawak sa kaniya.

Even Julie, the wind user can't touch him. Kumbaga kasi sa uling kapag pinaypayan mo, lalong nagbabaga. Kaya ako ang nautusan mag-train sa kaniya kahit hindi naman talaga ako kasama sa mga cabalist na nagte-train sa mga bago, Mia is. Dahil nga raw sa ironically compatible ang gifts namin kaya't ako na ang inatasan nila.

*tok tok tok

Kumatok ako sa loob ng kwarto niya bago tuluyang pumasok.

"Rise and Shine.. Sunshine!" Sunshine na ang tawag ko sa kaniya, nakakatawa kasi eh. Sing-init raw kasi siya ng araw sabi ng Gift specialist namin.

"Gising na po 'ko." saad niya at tumayo na mula sa kama.

"Oh siya tara na, nang matapos na 'to"

Nagtungo na kami sa training room upang simulan na ang trabaho ko.

"Bago natin simulan ang training mo. May kailangan lang akong malaman. Kailan mo naramdaman ang gift mo?"

"Last week. noong una, hindi naman ganun kainit kaya natatago ko pa sa mga kaklase ko, kahapon lang talaga sobrang uminit kaya nung nagalit ako sa isa kong kaklase bigla ko na lang naramdaman na sobrang init na pala ng kamay ko tas ayun, hinawakan ko lang yung kurtina namin tas nasunog at kumalat na ang apoy, buti nga hindi nila nakita nung nagsimula ng umapoy yung kurtina."

"okay, so nati-trigger ang gift mo kapag galit ka. O mas lumalakas ito kapag galit ka. hmm, gumagawa na ng equalizer gadget ang mga specialist para sa'yo. Makakatulong 'yon para hindi ka mahirapan kapag may hahawak sa'yo. Nakita mo ba yung si Alaiza?"

"Opo, yung nakasalamin?"

"yeah siya nga, galit saakin ang babaitang 'yon kaya wag kang lalapit sa kaniya, baka mahynotize ka." paalala ko, hanggang ngayon kasi ay heart-broken pa rin siya dahil kay Ivan, may pagka-saltik kasi yun eh.

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon