Ch. 11: The Soaring One

786 37 3
                                    


"Sigurado ka ba sa gagawin mo, Lorrena?"


"Oo, Hindi ko hahayaang makuha nila ang mga anak ko."


"Pero paano na si Juliano?"


"Napag-usapan na namin ito ni Juliano, hindi kami papayag na gamitin nila ang mga anak namin. Kung kinakailangan naming tumakas, gagawin ko. Mailayo ang mga anak ko sa lugar na ito."


"Kung 'yan ang desisyon mo Lorrena, pero sana'y h'wag mong kalimutan na maaaring ang mga anak mo ang nasa propesiya."


"Alam ko, pero hindi pa tayo nakasisiguro. Maaaring hindi naman iyon mangyare sa mga anak ko."


"Sana nga."


"Naniniwala ako sa kanila, hindi nila gagawing saktan ang isat-isa."


~~~



*Arinne



"Hey Jovie.."


"Jovie."


"Jovie, I said I'm sorry, okay. Hindi mo naman sinabi na girlfriend mo pala ang babaeng 'yon. Eh di sana, hindi ko na siya pinasabog."


"Rinne naman eh!"


"Oh, ano na namang ginawa ko?"


"Hindi ko naman siya girlfriend."


"Oh eh bakit ka pala nagagalit?"


"Kasi Rinne, hindi na niya magiging girlfriend." sabat ni Ivan


"Tumahimik ka nga Ivan. Hindi 'yon ang ibig kong sabihin. Hindi lang kasi ako makapaniwala na ganun pala si Lisa."


"Ah, kaya ka nagmumukmok diyan. Kung tigilan mo na kaya 'yan, wala namang magagawa 'yan eh. Sorry na ah, but that doesn't change the fact that she is a dangerous being kaya kinailangan ko siyang patayin."


"Hindi naman nga kasi ako galit sa'yo tungkol doon."


"Ha? so bakit ka pala galit?"


"May nasira ka kasi sa bahay."


"Pinaayos ko na nga diba?"


"Hindi 'yon, may nasira kang gamit ko."


"Ano?"


"Ah alam ko na! Yung posters noh." sabi ni Martin

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon