*RJ"Ma, tigilan niyo na nga 'ko."
"Sandali lang naman, anak. Akin na kasi 'yang palad mo. Bilis na!"
Ano na naman ba kasing trip ng nanay ko, e.
"Hindi ka naman marunong manghula, ma. Napanood mo lang kahapon sa tv, ginaya mo na," saad ko habang pinipilit agawin ang kamay ko sa kanya.
"Manahimik ka muna kasi, Rj. Nagcoconcentrate ako dito, o."
"Oo na. Bilisan niyo diyan, a. Male-late na po 'ko."
"Oo, shh ka na," aniya pa saka sandaling pumikit.
"Ahmm....Ahmm." Gusto ko tuloy matawa sa ginagawa ng nanay ko, e.
"Wahh! Nakita ko na! Nakita ko na!"
"Ano ngang nakita mo, ma?"
"May magandang mangyayare sa 'yo ngayong araw. Magiging masaya ang araw mo, anak. Pero mag-ingat ka lang sa pagtawid mo ha, maraming sasakyan sa daan."
"Tsk, baliw ka talaga, ma." Tumayo na 'ko at inayos ang uniform kong suot.
"Aalis na po 'ko, ma."
"Sige, magi-ingat ka ha. Tandaan mo, swerte ka ngayon."
Lumabas na 'ko ng bahay at pumara ng tricycle.
Sana nga, swertihin ako ngayon.
----
Pagdating ko pa lang sa gate ng school ay pansin ko na ang napakaraming tao. Mga bisita mula sa ibang eskwelahan, ilang kabataan mula sa bayan at mga estudyante ng westlake.
Ngayon ang Foundation day ng Westlake University.
Puno na rin ng mga booths ang paligid. Mukhang magiging maayos naman ang araw na 'to.
.
.
.
Or not..."Dalian mo naman, a!"
"Sandali lang naman, Arinne."
My forehead creased. Bakit naman sa lahat ng tao, sila pa ang makikita ko?
It's Arinne... with Jb. And they're holding hands while running on the corridors.
Bwisit lang.
"O, Rj!" Mukhang napansin nila akong dalawa nang mapadaan sila.
"Hey, pre." Tinanguan ko lang siya at bumaling kay Rinne.
"Done with your work, Rinne?" Dalawang araw siyang hindi pumasok. Ang sabi niya nang tumawag ako kahapon, busy siya sa Org. nila.
"Ah, y-yeah... Ano, tara na!" aniya saka na nagpatuloy na naglakad kaya sumunod na lang ako.
Pero 'di ko maiwasang hindi mainis, dahil hanggang ngayon magkahawak-kamay pa rin silang dalawa.
Ano bang meron sa dalawang 'to at parati silang magkasama?
And I can't help, but feel jealous about it.
Bwisit! Akala ko ba maswerte ako ngayon? Mukhang kabaligtaran pa yata ang hula ni mama.
"Rj, nakasimangot ka na naman," puna ni Rinne.
"Wala lang. Bawal ba?"
"Ano ka ba? This is a day for you to be happy. Kaya tama na ang pagsimangot," aniya saka na pumasok sa loob ng office.
Sumunod naman kami pareho ni Jb at naabutan pa namin na nagkakagulo sila Ivan.
"Morning, Rinne! Long time no see, a," bati ni Martin sa kanya.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasía'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One