'But I have sacrifice a lot. I am tired. Why do I still have to sacrifice?'
~~~~
*JB*
"Heck! Bakit siya umiiyak?!"
I am getting frustrated already.
Hindi ko magawang magpahinga, gayong alam kong nahihirapan siya. Nararamdaman kong umiiyak na naman siya.
After that conversation with Iso that night. Lahat ng nararamdaman ni Arinne, nararamdaman ko na rin. At alam kong nasasaktan siya ngayon.
If only I could lessen the pain she's feeling.
Hindi ko na mabilang kung ilang beses akong bumuntong-hininga.
Mayamaya pa ay nakarinig na lang ako ng malalakas na katok sa may pintuan.
At sino naman kaya yun?
"Sandali!" sigaw ko dahil palakas nang palakas ang katok sa labas.
Lumabas na ako ng kwarto at mabilis na binuksan ang pinto.
"Sumama ka sa 'kin, Ginoo."
"M-melora? Anong ginagawa mo rito?"
Hindi ba't nasa labanan sila ngayon? H'wag mong sabihing...
"Anong nangyare?! Ayos lang ba si Arinne?!!" Agad na akong nakaramdam ng takot dahil sa naisip ko.
"Ano nasaan na siya? May masama bang nangyare sa kanya?!"
"Wala pa, Ginoo. Wala pa. Ngunit kung magtatagal tayo. Maaaring magkaroon na," saad niya.
Tumango na ako at agad na lumabas ng bahay.
Tumatakbo kami papalabas ng aming street.
"Magmadali ka! Kailangan nating umabot. Hindi ko na nagugustuhan ang nasa isipan niya."
"Anong ibig mong sabihin, Melora?" tanong ko habang patuloy pa rin sa pagtakbo.
Pero hindi na siya sumagot at parang okupado ang isipan niya.
"Dito," aniya at natigil kami sa may dulo ng street.
"Saan?" tanong ko naman. Wala naman kasing makikita maliban sa mga bahay at ang tahimik na kalsada.
"Ipikit mo ang mga mata mo," utos niya kaya sinunod ko na lang ito.
Lumipas lamang ang ilang sandali ay nakaramdam ako ng pagbabago sa paligid. Kung kanina'y malamig ang hangin, ngayon ay mainit na ito at amoy ang usok sa paligid.
"Ahhh!"
"Gwrr!"
Napamulat ako nang makarinig ng mga sigawan at hiyawan.
I was horrified upon seeing the surrounding.
The whole place was in total chaos.
Marami ng tao ang nakahandusay sa sahig at ganun rin ang mga halimaw.
Halos manghina ang mga tuhod ko nang makita ang mga duguan nilang katawan.
"Arinne." Fear crept through my body.
Paano kung may nangyare na ngang masama kay Arinne.
"Melora, nasaan na si Arinne? Ligtas pa naman siya, 'di ba?"
"Halika." Hinatak niya ako at patakbong umalis.
Iniiwasan pa namin ang mga pagsabog gawa ng ilan pang cabalist at mga halimaw.
Nang makarating kami sa dulo ng isang nakaguhong gusali. Doon ko nakita si Arinne. Humahangos habang patuloy na nakikipaglaban sa isang matandang lalake. Sabay silang naglalaban ng isa pang lalake na palagay ko'y isa ring cabalist gaya niya.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One