Sa tuwing papasok ka sa umaga, ngiti mo ang agad kong nakikita . Napaka gwapo mo talaga.
"Good Morning Ivan." Narinig kong bati nila sa'yo"Good Morning." nakangiti mong sagot sa kanila
"Kyaahh ang pogi ni Ivan!"
Ang kapal ng mga mukha niyo, akin lang siya... At alam kong ako lang ang para sa'yo, at hindi niyo siya makukuha.
---
"Hey nerd, what are you doing? Pwede ba umalis ka sa daan. Hindi mo naman gustong mabully diba?"
Mali ka, dahil hindi mo iyon magagawa.
"Ano ba?! sinabing tumabi ka eh!"
"Sa oras na matapos ang sasabihin ko, makakalimutan mo ang lahat ng tungkol dito."
"A-ano?" Sige tingnan mo lang ang mga mata ko.
"Susundin mo ang lahat ng sasabihin ko." Sige, tumingin ka pa.
"S-susundin ko ang lahat ng sasabihin mo." Sa pagkakataong ito, alam kong hawak na kita.
"Lilipat ka ng eskwelahan at kakalimutan mo si Ivan."
"Lilipat ako ng Eskwelahan at kakalimutan ko si Ivan."
"Ako ang mahal niya, at hindi mo siya maa-agaw."
"Ikaw ang mahal niya, at hindi ko siya maa-agaw."
"Magaling. Ngayon pag-pitik ng mga kamay ko ay makakalimutan mo na nag-usap tayo at susundin mo lahat ng sinabi ko."
*Tikk
"Ay, padaan kailangan ko ng umalis." saad niya at mabilis na naglakad paalis.
Mas magaling ako hindi ba, kaya walang-wala sila kumpara sa'kin Ivan.
----
Alam kong kahit hindi mo ako nakikita, ako ang laman ng puso mo at hindi sila. Sila na parating nakasunod sa'yo
"Kyahh Ivan! Please marry me!" Bwisit! Kayo na naman!
"I'm sorry lady, please fall in line."
"Ivan, pupunta lang ako kay Sharmaine."
Ginugulo niyo na naman ang mahal ko. Humanda ka.
Lumapit ako sa kaniya at hinatak ang braso niya.
"Aww! what are you---." Isang tingin lang ang kailangan ko upang sumunod ka
"Sumunod ka sa'kin."
Nakasunod ka habang naglalakad ako hanggang sa makarating tayo sa pinaka-likod ng eskwelahan.
"Kakalimutan mo si Ivan, wala siyang gusto sa'yo at akin lang siya. Naiintindihan mo?"
"N-naiintindihan ko."
Inutil, napaka-dali mo lang pasunurin sa gusto ko. Hindi magtatagal ay mapapa-sa'kin ka rin Ivan. Susunod ka rin sa gusto ko, gaya nila.
~~~
*Eli
"Nasa labas na 'ko ng gate, matagal ka pa ba Rinne?"
(Nasa kanto na 'ko bahala ka kung gusto nang mauna sa loob.)
"Dala mo naman diba?"
(Oo nga, ang kulit.)
"Geh, pasok na 'ko." saka ko binaba ang tawag.
"Good Morning Eli!" bati saakin ng isang estudyante.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One