*IVAN
"15, 16, 17, 18, 19... 20. O 'yan, manong Johnny saktong-sakto na 'yan, a," saad ko sabay abot ng bayad ko sa driver.
"Puro piso naman 'to, iho. Saan ka nagperya ha?"
"Manong Johnny naman. Porke't puro piso, e." Galing kaya 'tong mga piso sa taya ng mga bata kahapon. Galing ko nga, e. Lampaso silang lahat sa pogs. Hahaha.
Pagpasok ko sa loob ng University ay binati pa 'ko ng guards.
"Good Morning, Ivan," bati rin sa 'kin ng isang estudyante na nakasabayan ko sa paglalakad.
"Good Morning," sagot ko sabay ngiti sa kanya.
"Kyaahh! ang pogi ni Ivan!" Ganito talaga sila, wala akong magagawa. Gwapo lang ako.
*Ngiting Colgate effects please!*
Agad rin naman akong nakarating sa Office namin saka ko sinipa 'yung pinto para makapasok na 'ko.
"Ayo people! Aray."
"Rinne naman." sabi ko habang hinihimas 'yung ulo kong binatukan niya.
"May sayad ka ba talaga, Ivan? Sinabi ng h'wag mong sipain 'yung pinto. Ipapakain ko talaga sa 'yo 'yan kapag nasira."
"Ano ka ba naman Rinne? Grand entrance ko 'yon e. Tsaka 'di masisira 'yan noh. Aray!" Nabatukan na naman ako.
"Kapag naalog 'yung utak ko. Sige ka."
"Aba't may ganun ka ba pre?" sabi ni Paul.
"Shut up pre, may ganun ako. Alam mo Rinne, 'yung Fansclub ko kapag nakita nilang binabatukan mo ako, panigurado lagot ka," pagbabanta ko pa.
"Nanaginip ka pa ba Ivan? Kailan ka pa nagkaroon ng Fans?" tanong naman ni Rinne.
"Sa maniwala kayo't sa hindi may Fansclub ako noh, 'di ba Jovie?" Saka ko hinanap si jovie.
"Nasaan si Jovie?" tanong ko sa kanila.
"Wala pa." Oh. Weird, maaga naman lagi pumasok 'yun e.
"Malapit ng mag-eight, tara na," saad ni Rinne, saka na kami pumasok ng room.
-------
Nagsimula na ang first class pero wala parin si Jovie, nasaan na 'yung mokong na 'yon?
"may sakit ba si Jovie?" tanong ko pa kay Paul. Natapos na ang morning classes pero hindi parin pumasok si Jovie.
"Ewan, wala naman siyang sinabe. Nagtext kanina si Rinne sa kanya, di naman nagreply."
"Baka may sakit nga," sagot naman ni Jb.
"Hindi 'yan. Immuned masyado sa sakit 'yang si Jovie," sabi naman ni Eli
Mayamaya pa ay bumukas ang pinto ng Office at pumasok si Rj dala ang lunch namin at si Rinne na nakakunot ang noo.
"Anyare Rinne? Kinausap ka?" tanong ni Paul sa kanya.
"Yeah."
"Bakit? Anong sabi niya?" tanong ko.
"He's acting weird. Akala ko sasabihin niya, nasobrahan siya sa tulog kaya di siya nakapasok mas maniniwala pa 'ko."
"E ano pala?"
"May sakit daw siya."
"Totoo? Di nga?" halos pare-pareho naming sagot.
"Pupunta ko sa kanila mamaya, sama kayo?" Napagdesisyunan namin na sumama na lang sa pagbisita sa kanya.
We may not be verbally affectionate towards each other, but we show our care in our actions. And that's what bond means for us.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasía'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One