"M-mahal na mahal k-kita, C-chloe..." Marahan na ang kanyang paghinga. Alam kong malapit na.
"Please, Henry. Mahal na mahal rin kita. H'wag muna pakiusap." Ayoko pa. Hindi ko kaya.
"T-tahan na, Chloe. Mas lalo lang a-akong mahihirapan."
Mahihinang paghinga, tanda ng pagwawakas nito.
"Pa'no 'ko, Henry? H'wag mo namang gawin sa 'kin to, o." Patuloy na ang pagragasa ng luha mula sa aking mga mata.
Pakiusap h'wag muna ngayon.
"Tama na, Chloe. Mahal k-kita, tandaan m-mo 'yan." Kasabay nang pagngiti niya ay siya ring pagpikit ng kanyang mga mata.
"Henry! Please, gumising ka! H'wag mo 'kong iwan, Henry!"
Maging ang aking mundo ay tumigil na yata, kasabay nang pagtigil ng kanyang paghinga.
Wala na siya...
At hindi ko pa kaya...
~~~~~~
"Huy, Chloe. Anong nangyayare sa 'yo?" sambit niya habang iwinagayway ang kamay malapit mukha ko.
"May problema ba, Chloe?"
Pilit ko namang itinago ang lungkot na nararamdaman ko saka siya nginitian.
"Wala. Ba't mo naman naisip 'yan?" tanong ko sa kanya.
"Ewan ko. Pakiramdam ko kasi malungkot ka. At bilang boyfriend mo dapat lang na pasayahin kita." Matamis na ngiti ang parati niyang ipinapakita sa 'kin.
"Ano ka ba, Henry. Masaya kaya 'ko. Kasama kita kaya bakit ako malulungkot?"
Masaya... Masaya na kasama kita.
"Talaga?" Isang tanong mula sa maamo niyang mukha.
"Oo nga."
"Okay. Then payakap naman, o" aniya niya at masaya ko naman itong tinugon.
"Babe. Bukas na anniversary natin. Saan mo gustong pumunta?" tanong niya habang pisil-pisil ang mga kamay ko.
Bukas...
"O-october 9 na nga pala bukas no?"
Ayoko pa.
"Yup. Sa wakas one year na rin tayo. 'Wag mo kong iiwan, a?" tanong niya.
Kung alam mo lang, Henry... Ako ang iiwan mo.
"Siyempre naman. Hindi ko kaya," sagot ko habang pilit na pinipigilan ang luhang nangingilid sa aking mga mata.
Muli ay niyakap ko siya, ipinararamdam ang pagmamahal ko.
-----------
'T-tahan na Chloe, Hindi k-ko na kaya.'
Muli ko itong isinantabi sa aking isipan at tinitigan na lamang ang mukha ng lalakeng pinakamamahal ko.
"Chloe?"
"Yup?"
"Payakap naman." Tumango ako at lumapit sa kanya. Niyakap ko siya habang sinasamyo ang mabango niyang buhok.
"Babe, anniversary na natin bukas. Saan mo gustong pumunta?"
"Kahit saan basta kasama kita."
Bakit ba kasi hindi na lang niya ko isinama?
"Saan kaya maganda magpunta?"
Alam kong mali ang ginagawa ko, pero gano'n pa man paninindigan ko ito.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One