*JB"Imagine that you are walking past a person in the street and see them clearly for only a split second. Once they are out of view, you might note that they were carrying a satchel. But what color was it?"
'You are connected.'
"Green, you might think, Yes, it was green."
'You are the other half. Her soul's match.'
"But then self-doubt sets in: Or was it the person's coat that was green - wasn't the bag blue? Yes, it was an eggshell blue. I remember now."
'Do you wish to save her?'
"Mr. Bernardo?"
'You are bound to be with her.'
"Mr. Bernardo!"
"Uy, pre. Pre!"
"Aray! Bakit ba?!" tanong ko kay Eli nang hampasin niya ako sa braso.
"Kanina ka pa tinatawag ni Ma'am," aniya at ngumuso pa sa harapan. Humarap naman ako at nakita ang nakakunot na noo ni Ma'am Jel.
"Mind sharing with us, what you are thinking, Mr. Bernardo?"
"Ahmmm." Bahagya akong napayuko.
"I don't tolerate idle students in my class, Mr. Bernardo. So Listen to me!"
"Yes, ma'am. Pasensya na po," saad ko.
"You may sit down." Muli na akong naupo at tumingin na lang sa kanya.
Pambihira naman kasi, e.
Hanggang ngayon hindi ko pa rin mapaniwalaan ang nangyare, isang linggo na ang nakalipas.
Isang linggo na ring hindi pumapasok si Arinne. Ang sabi ng mga cabalists na tumulong sa kanya nang gabing 'yon, ayos lang si Arinne at hindi dapat kami maga-alala. Pero alam kong may mali. At ngayon mas lalo lang akong naga-alala.
"Class Dismiss," rinig kong anunsyo ni Ma'am Jel at lumabas na siya ng room.
"Uy, tulala ka?" tanong ni Eli sa 'kin.
"Wala, may iniisip lang." Umiling pa 'ko.
"Oo nga, anong iniisip mo?" tanong naman ni Paul.
"Si Arinne," saad ko at bahagyang napabuntong hininga.
"Kahit ako, naga-alala na rin sa kanya. Isang linggo na rin siyang 'di pumapasok. Hindi kaya may nangyare na?" saad naman ni Ivan.
"Isara mo na nga yang bibig mo Ivan. Naga-alala na nga yung dalawa, o." Binatukan pa siya ni Martin at itinuro kami ni Rj. Bakas rin sa mukha niya ang paga-alala.
"Mauna na muna 'kong lumabas." Tumayo si Rj at naglakad na paalis ng room.
"Aano yun?"
"Malay."
"Mag-lunch na nga tayo, at ako'y gutom na." Lumabas na rin kami ng room at naabutan pa namin si Sharmaine sa may hallway.
"Dumating na ba si Rinne?" bungad na tanong niya. Sa aming lahat, siya ang pinaka-walang ka alam-alam sa mga nangyayare kay Arinne. Hindi tuloy namin alam paano magpapalusot sa kanya tuwing mawawala si Arinne.
"W-wala pa siya. Doon ka nga sa Office mo!" angil ni Eli sa kanya.
"Tseh! Hindi ikaw ang kausap ko, pwede ba?! Sa 'yo ba 'ko nakatingin ha? Hindi 'di ba? So, shut up!" sigaw rin sa kanya ni Sharmaine.
"Tumahimik ka rin, Sharmaine! Malamang hindi ka nakatingin, e ang dami naming nandito!"
"Oy, oy. Tama ba 'yan. Magkatuluyan pa kayo niyan," awat naman sa kanila ni Martin pero sinabunutan lang siya ni Sharmaine.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One