*JB*
"Dito naman, anak!"
"Ma. Mamaya na kasi kayo kumuha ng picture."
"Anak, mamaya haggard ka na. Kaya dapat kuhanan kita habang hindi ka pa pawisan. At nasaan na ba si Arinne?"
Nasaan na nga kaya ang babaeng 'yun?
Sabi niya kanina papunta na siya?
"Pre, gwapo natin, a."
"O, nandito na kayo, sa wakas. Ma, mga kaibigan ko po," sabi ko at itinuro sila Ivan.
"Magandang umaga po, tita." At nagmano pa sila kay mama.
"Kuya, where's ate Arinne na ba?"
"Wait lang, Jill. Tatawagan ko na." Dinukot ko na ang phone ko sa.bulsa at dinial ang number niya.
Pero out of coverage ang phone niya.
"Ano, pre. Sumagot na ba?" tanong pa ni Paul sa tabi ko.
"Hindi pa nga, e."
"Jill, mukhang nasa byahe pa sila. Hintayin na lang muna natin siya ha?"
"Okay po."
Naghintay pa kami ng ilang minuto pero wala pa rin si Arinne.
Ano na naman kayang ginawa niya?
"Graduation March na, pre. Nasaan na si Rinne?"
Napabuntong-hininga ako.
"Pumasok na kayo. Mags-start na tayo," anunsyo sa amin ng isang guro.
"Tara na nga. Baka may dinaanan lang si Rinne," saad ni Ivan at pumasok na.
"Ma, hintayin niyo na lang ako sa loob. Hintayin ko muna si Arinne."
"Okay. Pero after five minutes pumasok ka na ha?"
"Opo, ma."
Kaya naiwan na ako sa labas ng hall at hinintay na lang si Arinne.
Narinig ko pa na nag-announce yung teacher sa loob na mags-start na kaya tumayo na ko.
"Shia, bilisan mo naman!" Napalingon ako nang marinig ang boses ni Mia mula sa di kalayuan.
"Wait! Andyan na!"
"Nakarating ka rin."
"O, Jb. Nagsimula na ba?"
"Magsisimula na po, ate. Tara na po sa loob."
"Pasensya ka na. May nangyare kasi sa byahe, e."
"Mukha nga po," saad ko at nilapitan si Arinne.
"Ano na namang ginawa mo at pawis na pawis ka?" tanong ko kay Arinne saka kinuha ang panyo ko sa bulsa at pinunasan ang noo't pisngi niya.
"Sorry. Ang dami kasing Oni sa may kanto," sabi niya.
"Bakit out of coverage ang phone mo?"
"Nalaglag ko yata kanina."
Hanggang ngayon ay patuloy pa rin ang organisasyon nila sa pagsugpo sa mga halimaw. Hanggang ngayon kasi ay marami pa ring Oni at hindi pa nila alam kung saan sila nagmumula.
"Tara na," aya ko at hinawakan na ang kamay niya. Pumasok na kaming tatlo, at sakto namang nagsisimula na ang pagmartsa.
Isang taon na rin ang lumipas. Matapos niyang magising ng araw na 'yon ay bumalik sa paga-aral si Arinne. Medyo nahirapan pa siyang humabol sa mga lessons pero tinulungan naman siya ng mga Prof.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasia'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One