"Mia Grace Parker. Class S. Fifty first Fallen One. Rejection- Incomplete. Status- Now unknown.""Mahahanap mo ba siya, Melora?"
"I can, Baron. And I know where she is, but I won't. I cannot interfere."
"I know. Pasensya na."
"Nakikita mo na ba, Baron? Malapit na. Magkikita na kayong muli. Dapat siguro'y gawin mo na ang nararapat."
"At kung lilipas pa ang panahon na hindi natin mapipigilan ang Council, mamatay siya. At ayokong mangyare ang bagay na 'yon sa kanya."
"Tama ka, Melora. Mukhang kailangan ko nang bumalik."
"Hindi mo kailangang bumalik, dahil hindi ka naman nawala. Magpatuloy at tapusin ito, iyun ang dapat mong gawin."
"Tandaan mong oras ang iyong kalaban rito. Hindi mo na maaaring itago ang lahat, Baron."
"Hindi na sasapat ang oras. Dapat na niyang malaman, Melora."
"Ako na ang bahala roon, Baron. Magtatagpo rin kami. Paniguradong mahahanap niya rin ako."
"Sana nga."
"H'wag kang maga-alala. Matalino siya."
"Paniguradong mahahanap rin ako ng batang si Arinne."
~~~~
*JB
"Dito ka naman tumingin, kuya Jb."
Bakit ba 'ko nandito? Kanina pa nila ko kinukuhan ng letrato, a.
"Teka, nauna kami kay kuya Jb, e."
Kasalanan talaga 'to ni Arinne, e. Pinagdiskitahan pa kasi ang buhok ko.
"Kailangan ko na talagang umalis. May post pa kong babantayan," saad ko sa kanila at tumayo na paalis ng bench.
"Kuya Jb, wait!" sigaw pa nila. Kaya tumakbo na 'ko paalis at tinungo ang office.
"Aray," mahinang bulong ko habang pilit na inaalis ang tali ko sa buhok.
Mukha daw akong mansanas, putek."Oy, Jb. Ba't inalis mo? Ang cute kaya ng buhok mo kanina," puna ni Arinne nang makasalubong ko sila ni Rj papasok ng SGC office.
"Rinne, doon na 'ko sa pwesto ko. Ge, tol." Umalis na si Rj na kapansin-pansin ang ngiti.
"May nangyare ba, Arinne? Mukhang ang saya ni Rj, a. Samantalang kanina, parang galit siya."
"Ewan ko rin. Magkasama lang naman kami kanina. 'Di ko rin alam bakit ang saya nun," aniya saka muling hinatak ang leeg ko.
"At ikaw, bakit mo inalis ang inipit ko sa buhok mo?"
"A-aray! Yung leeg ko." Saka ako tumayo para mabitawan niya 'ko.
"Pinagkaguluhan na nga ako dahil diyan sa ginawa mo sa buhok ko. Ang cute daw, mukhang apple."
"O, bakit mo pala inalis?"
"Pinagkakaguluhan nga kasi ako. Kanina pa sila pa-picture nang pa-picture. E, mukha kong tanga sa buhok ko."
"Psh. 'Di naman, e."
Iniwanan ko nalang siya dahil tawa pa siya nang tawa.Nagsibalik na kami sa kanya-kanya naming post at nagbantay.
Nasa loob ako ng highschool building at nagmamasid sa mga dumadaang estudyante. Marami ring booths ang narito. May mga cafe, theater booth, movie showing at iba pa.
Mabuti na lang at may dumating na mga construction workers rito, ilang oras matapos ang nangyareng kaguluhan noong nakaraang araw. Nakakagulat nga na kinubukasan ay gawa na ang nasirang building at parang walang nangyareng pagkaguho. Sa bagay, mga tauhan sila ng Organisasyon nila Arinne. Hindi na nakapagtataka ang husay nila.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One