Ch. 17: A Confused One

482 19 1
                                    

(A/n: Short update.. paalala lang, totoong nakaka-confuse ang chapter na 'to. Puyat kasi ang author niyo, hahaha HAPPY 310+ votes sa story kong hindi sikat. Love yah all :) happy birthday to me!)

*Jb

Bakit ang tagal niya? Alas-siyete na eh.

"Umuwi kaya siya sa bahay niya?"

Mas maagang umalis si Arinne kanina ng school dahil may gagawin pa daw siya sa Org. pero ang sabi niya makiki-kain siya dito sa bahay. Anong oras na pero wala pa siya..

Tignan ko kaya sa bahay niya?

Kaya inayos ko na ang suot ko at lumabas ng bahay.

*KRRKK

"Uulan pa yata.." kumukulog na sa labas, kaya kinuha ko na ang payong ko at nagpatuloy sa paglalakad.

Nasa labasan pa lang ako nang tuluyan ng bumuhos ang ulan. Nang makarating naman ako sa street nila ay agad na akong nagtungo sa bahay niya.

"Arinne!"

"Arinne!" mukhang wala rin siya rito. Sarado pa ang ilaw sa loob.

Hindi kaya nasa Org. pa rin siya?

"Mawalang-galang na Iho." bigla akong nakarinig ng boses mula sa aking likuran.

"Ay lola, sandali po nababasa na kayo!" Isang matanda ang kumausap sa'kin, basang-basa na siya dahil wala siyang dalang payong.

"Ito ho, sumukob muna kayo."

"Hindi na iho, may gusto lang naman akong itanong." saad niya habang inilalayo ang payong sa kaniya.

"Ano po 'yon?"

"Kilala mo ba ang babaeng nakatira riyan?"

"Opo, bakit po?"

"Kung gano'n ikaw ba si Jb?" tanong niya.

"Paano niyo pong nalaman ang pangalan ko?"

"Simple lang..."


"Nakita kita, sa hinaharap niya."

"A-ano?"

"Ikaw, ikaw ang nakita kong kasama niya." sagot niya habang papalapit saakin, unti-unti naman akong humahakbang palayo.

"Ikaw ang nakita kong sisira ng lahat, lahat ng dapat na nakatadhana." dagdag pa nito.

"P-po?, sandali po h-hindi ko kaya maintindihan."

"Hindi ka dapat naroon, pero ipinilit mo ang sarili mo. Sinira mo ang nakatadhana, kaya dapat kang mawala." anito sabay labas ng isang patalim mula sa suot niyang balabal.

"S-sandali po.." humakbang muli siya kaya napaurong naman ako.

"Kailangan mong mawala!" sigaw nito sabay angat ng patalim at...

"Ahh!" napapikit na lamang ako, naghihintay ng susunod na mangyayare. Nang naramdaman kong walang tumama sa'kin.

"Ah!" narinig ko ang impit niyang sigaw kaya napatingin ako sa kanya.

At sa nangyayare sa Paligid...

"Ano 'to?" naibulong ko pa.

Tumigil ang pagbagsak ng tubig mula sa langit at imbis na tubig, yelo ang nalaglag... maging ang kalsada ay nabalutan ng yelo.

At ang kamay ng matandang dapat ay sasaksak sa'kin ay napigilan ng nakabalot na yelo rito.

"Kung gano'n ay narito ka.." saad ng matanda at nilingon ang paligid.

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon