*ARINNE SHIA*
"Announcement for your next week midterm exams."
"Midterm na?" tanong ko kay Paul na katabi ko.
"Oo. Then after no'n, University Ball na."
Hala naman. Parang wala naman akong natutunan, nitong nagdaang buwan, e.
"Listen, everyone. For those of you who will not get a passing grades after your exams... goodbye University Ball."
"Aww. Bakit naman, Sir?" rinig ko pang reklamo ng ibang kaklase ko.
"It was decided by the faculty last Monday. Kaya para sa inyo na naga-alangan ang grado, especially Mr. Ivan Guizo, Martin Mendez and also Ms. Parker dahil sa dami ng absences mo. Simulan niyo ng mag-aral nang mabuti para sa susunod na linggo. Magpasa rin kayo ng special projects, so I can give you some extra points, Understand?" tanong ni Sir Van at tumingin pa sa 'kin.
"Sir, Yes Sir!" Sumaludo pa 'ko.
"Class dismiss," saad niya saka na lumabas ng room.
Napabuntong-hininga nalang ako.
"Uy, special mention pa tayo, o," saad ni Ivan pagkaupo niya sa tabi namin.
"Dyahe, men. Pa'no 'ko papasa, 'di naman ako marunong magreview, e," ani Martin.
"Parang kayo lang ang nanganganib, a," sagot ko at dumukmo sa mesa.
"Madali na lang naman ang magpasa ng special projects. Ang kailangan niyo na lang gawin ngayon ay mag review," saad ni Jb
"Sabagay. Ah! alam ko na. Maggroup study tayo ngayong linggo. Ano?" tanong ni Ivan.
"Pwede rin."
"So, kanino tayo?" tanong ko naman.
"Simple lang. Ba..." panimula ni Eli.
Nagkatinginan pa kami at naghintay.
"Ba-ba-to."
"Bato-pik."
And as always, I won.
"Pero dahil si Rinne lang ang nagbaba ng papel at lahat tayo ay bato. Sa bahay niya na lang tayo!" saad ni RJ.
"Oy, oy. At kailan pa nabago ang rules natin?" tanong ko sa kanila pero nagkibit-balikat lang sila.
"Kanina lang, Rinne. At saka matagal na kaming hindi nakalibot sa bahay mo, e," saad naman ni Martin.
"Lakas, a."
"Sige na, Rinne."
"Wala akong ipapakain sa inyo."
"Ako nang bahalang magluto. Ano, payag ka na?" At nakisali pa talaga 'tong si Jb.
"Para namang may magagawa pa 'ko, kahit umayaw ako."
"Syempre, wala na."
"Fine. Mamayang hapon," saad ko at muling dumukmo sa mesa.
'Julie Heize, in line.'
Tumunog naman ang earpiece ko kaya sinagot ko na.
(Shia.)
"O, Julie," sagot ko at sinenyasan pa ang mga kasama ko na tumahimik.
(Kailangan mong magpunta rito ngayon.)
"Bakit? Suspended pa 'ko, a."
('Yun na nga. Tapos na ang suspension mo.)
"Talaga?"
(Oo. At isa pa, nagpatawag ang Council ng grand assembly. At ngayon na mismo,) sagot niya.
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantasy'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One