Ch. 35: The Trained One

461 14 1
                                    

*ARINNE SHIA*

"And I passed. Woot woot!" Ivan shouted in the corridor.

Matapos ang exams kahapon ay ipinaskil rin sa bulletin board ang resulta ng exam, maging ang mga rankings.

And I ranked 15 out 35 students. O, 'di ba, talino ko?

"Mabuti na lang talaga pumasa tayo. Kahit wala na sa rankings basta pumasa," komento ni Martin.

Mabuti na nga lang talaga at nakapasa kami, dahil paniguradong mabababad sa panga-asar ang sinumang babagsak sa amin.

"Uy, congrats." Bahagya kong binangga ang braso ni JB.

Siya ang nag-top sa buong klase.

"Talino, a."

"Maliit na bagay," sagot niya kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya.

"Yabang nito."

"Aww. Joke lang naman. Congrats din sa 'yo. Top.15 ka."

"Naman. Talino ko, 'di ba?"

"Aruy. Lakas, a. Rinne."

"Tara na sa room. May announcement daw si Sir," anunsyo ni Rj kaya bumalik na kami sa room.

"I am very glad that all of you passed. And I congratulate our top student, Mr. Bernardo."

"May kaunti lang na announcement para sa gaganapin na ball sa Lunes, bago ang inyong holiday vacation."

"The faculty said that all of you," aniya. Natahimik kaming lahat habang hinihintay ang mga sasabihin niya.

"Must enjoy the University Ball. Iyon lamang. Have a nice weekend, everyone. Class dismiss," saad niya pa saka na lumabas ng room.

Akala ko kung ano na.

"Mauuna na ako sa inyo," saad ko at inayos na ang mga gamit ko.

"Saan ka?"

"Training at Org." sagot ko saka na naunang lumabas. Kailangan ko nang magtungo ng Dark Cabal dahil sa kailangan daw namin ng masinsinang training.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin nagsi-sink in sa utak ko na malapit na kaming magkita ng kakambal ni Earl Baron. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, ngayong sa wakas ay makikita ko na rin si Mia. Kung dapat ba kong maging masaya dahil makikita ko na siya o malulungkot dahil paniguradong hindi niya ako nakikilala at baka magkaharap pa kami.

I heaved a sigh.

"Ilang beses ka ng bumuntong-hininga, a. May problema ba?" tanong pa ni Julie.

Pareho na kaming narito sa loob ng training hall. Hinihintay na lang namin ang iba pang cabalist bago magsimula ang training.

"Ewan ko kung problema ba na magkikita na kami ni Mia, pero bilang magkalaban naman."

"Problema nga 'yan."

"Ano na kayang gagawin ko sa oras na 'yon?"

"Hindi ko rin alam ang sagot diyan, Shia. Pero magtiwala ka sa inyong dalawa. Kambal kayo, 'di ba? Kakayanin niyo 'yan. Kasama mo kami, kaya makakaasa kang tutulong kami," saad niya.

"Salamat, Julie." Niyakap ko siya ng mahigpit.

Siguro, dapat rin akong magtiwala sa kanila.

Makalipas ang limang minuto ay nagsidatingan na ang ibang cabalist. Pansin ko na, marami sa kanila ay nakatingin sa 'kin.

Gandang-ganda siguro sila.

"Magandang hapon, cabalist."

Ang High Council? Ano namang ginagawa nila rito?

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon