Ch. 16: The Visionary One

596 19 1
                                    

(A/n: double update dahil; kaarawan ni Ms. Author! happy birthday to me!)

*Third Person

"Kapapasok lamang po na Balita. Nagmistulang snow village ang bayan ng Westlake. Napuno ng yelo ang mga kalsada at mga kabahayan. Ibabalita ito saatin.." patuloy na pahayag ng isang reporter mula sa istasyon ng tv.

Puno ng Yelo ang Westlake. Ito halos ang bukam-bibig ng lahat ng nakapanood ng balita. Saan ka nga naman nakakita ng isang tropikal na bansa na magkakaroon niyebe. Imposible hindi ba?

"Kung gano'n ay narito pala siya." saad ng isang matanda, habang pinanonood ang balita.

Maya-maya pa ay umalis na ito at nagtungo sa kaniyang destinasyon, ang Dark Cabal Organization.

Pagpasok pa lamang niya ay sinalubong na agad siya ng mga myembro ng organisayon. Hindi nila inakala ang pagdating niya, ang pagbalik niya.

"M-madam Mirai." Miranda o mas kilala sa tawag na Madam Mirai, isa lamang siya sa pinakamagaling na cabalist, the dark cabal organization have.

"Nasaan ang superiors?"

Isa siya sa pinakamagaling, pero umalis na siya ng organisasyon, limang taon na ang nakalilipas.

"N-narito po sa loob." sagot nito sa kaniya pumasok na siya sa loob.

"Bakit siya nandito?"

"Hindi ba si Madam Mirai 'yon?" ilan lamang iyan sa mga bulungan ng mga cabalist na nakakita sa pagdating niya.

Umalis siya ng organisasyon na hindi alam ng lahat ang dahilan, maliban sa mga nakatataas.

"alam mo ba ang dahilan ng pag-alis niya?"

"ewan ko, ang kwento noon. Nagkamali ang isang mahalagang propesiya niya kaya inalis siya ng Org."

"Sigurado ka? Eh bakit pala siya nandito ulit. Tsaka di ba ang sabi nila, siya ang umalis?"

Lingid sa kaalaman ng lahat, hindi pagkakamali ang naging dahilan ng pag-alis niya, kundi isang matibay at tunay propesiya.

---

"Ano ang pinarito mo, Madam Mirai?" tanong ng nakatataas sa kaniya.

"ano ang ipinarito ko? Hindi ba't dapat iyon ang tanong ko sa inyo? Bakit hindi niyo pa rin sinunod ang payo ko?" anito sabay umupo sa katabing bangkuan nito.

"Hindi namin 'yon maaaring gawin, alam mong hindi tayo sigurado."

"Kayo ang hindi, pero ako oo. Sigurado ako sa mga propesiyang nalaman ko."

Isang mapangitaing tao si Madam Mirai, ito ang kaniyang gift. Lahat ng kaniyang nakikita, nakita at makikita ay paniguradong mangyayare sa hinaharap o nangyare na sa nakaraan.

"Umalis ako rito upang pag-isipan niyo ang dapat niyong gawing hakbang ukol sa kanila, pero anong inabutan ko? Narito pa rin sila at wala kayong balak na patayin sila?" aniya.

"Madam Mirai, mga cabalist sila. At hindi dapat natin patayin ang mga kakampi natin, mas dapat pagtuuan ng atensyon ang mga kalaban natin."

"Oo, at maaaring maging iyon rin ang isa sa kanila."

"Kung gano'n?"

"Nakita ko ang hinaharap, hinaharap na magkasama pa rin sila. Ang isa ay mamatay, dahil sa isa. Ang matitira ay siyang magpapatuloy ng kasamaan."

Matalinhaga, lahat iyon ay maaaring matalinhaga sa mga normal na taong makakarinig sa mga pahayag niya, pero hindi ang mga nakatataas.

"Kailangan niyo silang paslangin." buong tapang nitong saad.

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon