Ch. 2: The White-haired One

1.8K 84 6
                                    


"Please, ma. Sumagot ka." Kanina pa 'ko paikot-ikot sa labas ng bahay.

Bakit ba kasi walang signal?!

"Anong gagawin ko?!"

Muli kong pinasadahan ang babaeng nakahandusay sa lupa.

Paano ba kasi nagkaroon ng babae rito?

How did she end up here, and did she really fell on my roof?

Ano 'yun, nalaglag siya mula sa langit gano'n?

"Lagot na."
Tae, paano 'to?

Lalapitan ko ba? Pa'no kung patay na yung babae?

"B-bahala na." I gulped.

Dahan-dahan akong lumapit sa kanya at tinutukan siya uli ng flashlight.

"Woah." white hair?

Lumapit pa 'ko sa kanya at hinawakan siya sa pulso.

"E-excuse me, b-buhay ka pa ba?" bulong ko habang chine-check ang pulso niya. Her hand was as cold as ice but I was relieved nang maramdaman ko ang malamlam na pagtibok ng pulso niya.

Kailangan ko siyang dalhin sa ospital.

Hinawakan ko na siya sa may bandang batok niya para iangat pero bigla nalang siyang gumalaw at sa sobrang bilis na pangyayare ay nakadagan na siya saakin, at hawak-hawak na ang leeg ko.

"Sino ka?" aniya sabay higpit ng pagkakahawak sa leeg ko.

"Ahhh. Ackk. Bitaw," pakiusap ko sa kanya, dahil hindi na ko makahinga. And something painful was slowly poking on my neck, it was cold and very painful.

"Anong ginawa mo ha?!" saad niya.

"P-please.. h-hindi ako.. m-makahinga.. ackk."

"Kung hindi ka sasagot sa tanong ko, papatayin talaga kita, " she said and then suddenly, a bright red light appeared in front of my eyes.

Her eyes were glowing in red.

Pero nawala din ito agad nang bigla siyang himatayin at bumagsak siya sa 'kin.

"M-miss." tinapik-tapik ko pa ang braso niya.

Agad akong bumangon sa pagkakahiga ko at saka ko siya binuhat papasok sa loob ng bahay ko.

Dinala ko siya sa kwarto at inihiga sa kama. Binuksan ko ang ilaw at nagulantang sa nakita ko.

Puno ng dugo ang jacket na suot ko.

"Then..." Agad akong lumingon sa babaeng nakahiga sa kama ko, at nakita kong puno rin ng dugo ang katawan niya.

Agad ko siyang nilapitan at muling pinulsuhan.

"Buhay pa." Narinig ko rin ang marahan niyang paghinga, tanda na buhay pa nga talaga siya.

Ano ng gagawin ko ngayon?

I think she's badly wounded.

Nilislis ko naman ang damit niya paitaas hanggang sa may tiyan niya.

"I-Im not a pervert i-if you think I am, okay," bulong ko sa kanya, kahit tulog siya.

Pagkataas ko ng damit niya ay bumungad sa akin ang tiyan niya na may malaking sugat at patuloy parin ang pagdurugo nito.

"What the hell?" May malaking sugat rin siya sa may braso niya pati na rin sa binti niya.

Dadalhin ko ba siya sa Ospital? baka mamatay siya sa lagay na 'to, e.

Kaya lang paano ko ipapaliwanag ang nangyare? baka mapagkamalan pa ko nitong kriminal.

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon