Ch. 7: The Troubled One

1K 50 6
                                    

*SHARMAINE

"Ready, Rinne? I'll tighten it up, okay?" I asked while fixing her dress.

"Fine." At saka ko na hinatak yung tali ng dress niya.

"Ouch! Masyadong mahigpit, Sharmz!"

"Ano ka ba, Rinne? Ganyan talaga dapat kasikip, para kita ang figure."

"Hindi ako makahinga, e. Do I really need to wear this, Sharmz? Magbabantay lang naman ako sa party."

"Ano ka ba? You need to wear this. Hindi ka basta bantay doon, you're the SGC Leader."

"Yeah, and what does SGC means? It's to guard the students, so why do I need to be in this thing?"

"A, basta, you're wearing this, tapos ang usapan. Isa pa suot mo na nga, e. H'wag ka nang magreklamo pwede?"

"Oo na. Tatahimik na po."

"Good. You should really appreciate your beauty more, my dear. Sigurado maraming magkandarapa sa 'yo mamaya!"

"ewan ko sayo, Sharmz."

"Siya halika na. Malapit nang magsimula ang party. Let's Go!" sabi ko saka ko na siya hinatak.

We headed to the Gym dahil doon magaganap ang welcome party for the Freshmen. Mas maaga kaming nandoon dahil kailangan pa nilang i-check yung place. You know, for safety measures.

"Rinne!" Nagsidatingan na ang mga kasama ni Rinne.

"Hep...wala munang lalapit kay Rinne. Baka hawakan niyo pa siya," pagbabanta ko sa kanila.

"Damot mo, Ms. President. Ikaw kaya ang dapat lumayo kay Rinne, kami yung tropa, e." biglang banat ni Eli sa 'kin.

"For your information, Mr. Daquis. Ako ang bestfriend niya. Kaya shoo! 'Di niyo siya pwedeng lapitan. Maghahanap kami ng boys," sabi ko saka kumapit kay Rinne.

1st year palang namin ay magkakilala na kami ni Rinne. Nagkahiwalay lang kami nung naging Student Council President na ko, nalipat kasi ako ng ibang section. So I decided to build the SGC para kasama ko parin siya. And mind you, ako talaga nakaisip nun, a. Hindi naman ako parating nakaasa kay Ruzell, e.

"Oy, Sharmz 'wag ka ngang mang-angkin, walang iyo!" biglang sabi ni Ivan.

"Shut up Ivan. I'm not talking to you!"

"Hey people.. stop arguing pwede?" Then Rinne patted my head.

"Sharmz, I have to go. And you also have to go, malamang hinahanap ka na ni Ruzell. Kailangan narin namin maghanda. 10 minutes and the party will start." She smiled and patted my head again.

Ewan ko ba. But Arinne's way of commanding me is so cute, kaya sumusunod nalang ako. Aigoo! my bestfriend's so cute.

"Sige na nga. But call me mamaya, a. Magkita tayo after nito, okay?"

"Fine. I'll call you later. O, ayan na pala si Ruzell."

"Oh hi, guys." bati ni Ruzell sa kanila.

"Yo, bro."

"Sharmaine, let's go."

"Okay. Bye, Rinne. Call me, okay?"

"I will." she said then waved at me.

-------

"Are the preparations complete?" I asked Ruzzel as I scan the hall.

"Yup. We're ready to start."

Matapos namin i-double check ang Lights and sound system ay nagstart na ang party.

"Welcome freshmen!" I said. Nagbigay lang ako ng kaunting introduction. Matapos non ay bumaba na rin ako ng stage.

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon