*ARINNE SHIA
"You are kidding me, Melora."
Pinagloloko ba ako ng batang 'to?
"No I'm not. I don't lie," sagot naman niya.
"E, bakit ganyan ang itsura mo, kung 350 years old ka na?"
Mukha naman talaga siyang bata dahil sa itsura niya, e. Kulot ang hanggang balikat niyang buhok. Matambok ang mga pisngi niya at bilog na bilog ang kanyang mga mata. Para siyang 15 years old sa itsura niya. Isama mo pa na maliit lang siya.
"Ang trabaho ko ay ang magtala ng mga alaala. Kaya't isa ang hindi pagtanda sa mga abilidad ko."
"So...immortal ka?"
"Hindi. Maaari lamang akong pumanaw kung nanaisin ko na at maaari ko ng ipasa ang aking trabaho sa iba."
"At darating ang araw na nanaisin ko ng mamahinga at ipasa sa iba ang aking trabaho. Ikaw, gusto mo bang ipasa ko sa 'yo ang trabaho ko?" tanong niya kaya agad akong umiling.
"No thanks."
"Pero, totoo. Hindi ka naman mukhang matanda, e."
"Mukhang kailangan ko pang magbigay patunay sa 'yo, binibini," aniya at muling tumayo at kumuha ng isang libro mula sa shelf.
"Ano namang ikukwento mo ngayon?"
"Ikaw. Ipinanganak ka noong Ika-siyam ng Nobyembre, taong dalawang-libo. Alas-sais ng gabi. Isa kang malusog na bata. Bumabagyo nang araw na ipinanganak kayo kaya't bumabaha ang mga kalsada at hindi na kayo umabot ng ospital." Tumango naman ako sa sinabi niya. Ang kwento sa akin noon ni mama, may bagyo nga noong ipinanganak kami kaya hindi sila nakaalis ng bahay at doon nalang nanganak si mama.
"Ikaw ay mayroong balat sa ibabang bahagi ng iyong pusod."
"P-paano mo nalaman 'yon?"
"Nakatala rito ang tungkol do'n," aniya at ipinakita pa sa akin ang talaan niya na may sulat ukol sa aming kapanganakan.
"Aksidente mong nagamit ang iyong gift, noong labing-isang taong gulang ka at napatay mo lahat ng halimaw na nasa inyong tahanan. Napagyelo mo ang inyong buong kabahayan."
"Okay, okay... Naniniwala na 'ko."
"Mabuti naman kung gano'n."
"May gusto lang akong malaman, Melora."
"Ano 'yun?"
"Si Mia. B-buhay pa naman siya 'di ba?"
"Oo, buhay pa ang kakambal mo."
Nakahinga naman ako ng maluwag dahil sa sinabi niya.
"Pero bakit ang sabi ng Council, Isa ng fallen one si Mia. Imposible 'yon kung buhay siya 'di ba?"
Sa aming dalawa, si Mia ang may malawak na pangunawa tungkol sa kalagayan naming dalawa. Kung tutuusin, ako ang may ayaw ng trabahong 'to. Kaya imposibleng talikuran niya ang gift niya.
"She is. She is now a fallen one. But, it is not complete."
"Pero bakit niya gagawin ang bagay na 'yon?"
"Maraming bagay ang alam ko, pero wala sa akin ang karapatan para sabihin sa iyo. Pero alam ko na alam mong may dahilan siya bakit niya kailangan iyong gawin."
"Nasaan siya? Alam mo ba kung nasaan si Mia?" tanong ko pero yumuko lamang siya at nanahimik.
"Please, Melora. Sabihin mo sa akin kung nasaan siya," pagmamakaawa ko pa.
"Si Harum..."
"Anong meron sa kanya? May kinalaman ba siya sa nangyare kay Mia?"
"Hawak ni Harum si Mia."
BINABASA MO ANG
When she Fell on my Roof (Completed)
Fantastik'We met in the weirdest way, But I'm glad you fell on my roof.' Dark Cabal Series: One