Ch. 27: The Quitting One

388 17 0
                                    

*RJ*

'Take her!'

'No!'

Nakita ko.

Nakita ko kung paano niya tignan si Rinne.

Kung paano niya ito niyakap.

How he risked his life, just to protect Rinne.

I saw him doing those things. Those things I didn't have the chance to do.

I was always late when it comes to her. Naunahan niya kong malapitan si Rinne nang gabing 'yon. Gusto ko sanang ako ang magharang ng sarili ko para protektahan siya, pero naunahan na naman niya ko.

I've known Arinne for too long. I have been with her eversince. Pero nang dumating siya, lahat ng 'yon...nabago.

Hell. I am jealous. At sobrang sakit na.

Pero anong magagawa ko? Rinne don't even have the slightest idea about how I feel for her. She treats me just like everyone else.

"Monday na monday, tol. Busangot 'yang mukha mo." Napansin ko na lang na may kasama pala ako nang magsalita si Paul sa tabi ko.

"Ano na naman bang problema mo ha?" tanong pa ni Eli. Pero nanatili lang akong tahimik.

"Alam ko na. 'Yun ang problema niya." Itinuro naman ni Martin ang dulo ng hallway kung saan kami nakatambay.

Nakita namin kung ano, rather sino ang itinuro niya.

It's Rinne...and Jb, walking together.

"Rinne!" sigaw ni Ivan nang makita si Rinne.

Isang linggo nga palang hindi pumasok ang babaeng 'to.

"Ayo, people!" saad ni Rinne nang makalapit sila sa amin.

"Long time no see, Rinne. Tagal ng bakasyon, a." Nakipag-apir pa si Martin sa kanya.

" 'Di ko naman namalayan. Nakatulog ako, e."

"Nakatulog? Ng isang linggo?"

"Hindi naman. Anim na araw lang," sagot niya.

"Ayos ka na ba ngayon?" tanong ko pa.

Kung gano'n kahaba ang naging pagpapahinga, ay siguradong napuruhan nga siya nang gabing yon.

"Oo naman. Malakas yata 'to. Ay, andyan na si Sir," saad niya saka na mabilis na pumasok ng room.

Pumasok na kami at nagsimula na ang klase.

"Oh. Mabuti naman at nakapasok ka na, Ms. Parker. Magaling ka na ba?" tanong pa ni Sir Van sa kanya.

"Magaling na po, Sir."

"Well then. Let's start."

Matapos ang isang buong umaga ng klase ay nagpunta na kami sa.SGC office.

"Cancelled daw ang classes. May emergency meeting daw ang faculty," bungad sa amin ni Ivan pagpasok niya ng office.

"Kasama ba sa meeting pati Officers?" tanong pa ni Jb.

"Hindi naman, buti na nga lang, e. Ano, uwi na ba tayo?"

I took a glance on Rinne and saw her checking her phone.

"Bahala kayo, wala naman akong gagawin, e," saad niya saka muling kinalikot ang cellphone.

"Ako, uuwi na. Matutulog na lang ako sa bahay," saad ni Jovie at kinuha na ang bag.

"Uwi ka na? Sabay na pala tayo," yaya naman ni Ivan kaya napagdesiyunan namin na umuwi na lang.

"Rinne," tawag ko sa kanya.

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon