Ch. 26: The Bounded One

442 14 1
                                    


*ARINNE SHIA

"Good morning, Sun."

Maaliwalas na ang paligid. Tumigil na ang ulan at tirik na tirik na ang araw.

Maaga akong gumising para makapag-ayos ng gamit na dadalhin ko para mamaya.

*Dingdong

Tumunog ang doorbell kaya't pinasadahan ko muna ng tingin ang sarili ko sa salamin saka na lumabas ng bahay.

"Good morning!" masiglang bati ko sa kanya nang makita siya sa labas ng gate.

"Morning rin. Oh?" aniya at itinuro ang suot ko.

Tinignan ko naman ito at napansing...

"Nag-usap ba tayo na magma-match tayo ng damit?" tanong ko.

Nakasuot ako ng dilaw na v-neck shirt at high-waist jeans at may checkered na jacket na nakatali sa bewang ko. Habang siya naman ay naka dilaw ring v-neck at suot ang checkered niyang jacket at naka blue jeans.

"Ayos, a. Parang nag-usap lang," sabi niya nang makalapit ako at binuksan ang gate.

"Para tuloy tayong naka-costume," saad ko saka na lumabas ng gate.

"Saan ba tayo sasayaw?" dagdag ko pa at tumawa lang siya.

"Tara na?" Tumango ako at isinukbit na ang bag ko.

Naglakad kami papuntang bus stop at doon naghintay ng masasakyang bus papuntang eastlake.

"Kumain ka na?" tanong niya at umiling naman ako.

"Sabi ko na, e. Matagal ang byahe, dapat nag-almusal ka."

Nagkibit-balikat lang ako bilang sagot sa kanya. Binuksan naman niya ang bag niya at nagkalikot doon.

"Ano bang hinahanap mo?" tanong ko pa.

"Ito, o. Kainin mo," aniya at inabot ang isang tupperware. Binuksan ko ito at nakita ang laman nitong sandwiched.

"Ito pa, tubig." Inabot rin niya ang dala niyang mineral water.

"At kung magugutom ka mamaya. Sabihin mo lang, marami akong dala rito." Sabay tapik sa bag niya.

"Uy... Boyscout siya," biro ko pa at kinain na ang ibinigay niya.

Makalipas ang halos labing-limang minuto ay may dumaan ng bus at tumigil sa tapat namin. Sumakay na kami at doon naupo sa may gitna.

"Sa tabi ng bintana ako," sabi ko sa kanya. Hindi airconditioned ang bus kaya hinayaan ko na lang na nakabukas ang bintanang katabi ko.

"Gaano katagal ang byahe?"

"Mga dalawa hanggang tatlong oras. Kapag mabagal itong bus, baka hanggang apat na oras."

Tumango nalang ako at sumandal sa ulunan ng upuan ko.

-----

"Nakalimutan ko no'n na dalhin 'yung favorite doll niya sa play. Ayun imbis na masayahing bata ang role niya, ngumangawa si Jill habang uma-acting."

Tawa naman ako nang tawa sa mga kwento niya. Dalawang oras na kaming nasa byahe pero malayo pa kami.

Napakabagal ng andar ng bus kahit wala namang traffic. Mabuti na lang nga at mahangin kundi nakakainis ang byahe dahil mainit.

"Nasaan na nga pala ang papa mo? Hindi niyo ba siya kasama?"

"Kapitan ng barko si papa, kaya halos once a year lang siya kung umuwi. Hindi rin siya madalas makatawag dahil nasa dagat siya."

When she Fell on my Roof (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon